Cristine Reyes, binastos ni Zanjoe Marudo?!

Habang nagdi-deadline ako, kasalukuyang pinapanood natin ang Ms. Universe 2010 na isa sa pinakapaborito ay ang pambato nating si Maria Venus Raj.

Ang saya-saya pa naman ng mood nating lahat dahil lumaban naman si Venus kahit hindi nito nakuha ang korona, pasok naman sa top 5. Happy na tayo riyan. Kahit papa’no, matakpan ng kaunti ang kahihiyang inabot natin sa naganap na hostage-taking nu’ng kamakalawa lang.

Mga turista rito galing Hong Kong ang nabiktima sa hostage-taking na hindi maganda ang kinahinatnan, kaya nakakahiya na naman tayo!

Hay naku! Isa pa naman sa pinakapaborito kong bakasyunan ang Hong Kong, pagkatapos heto’t isusumpa na naman tayo ng mga Chinese at pati na rin sa ibang bansa.

Unti-unti pa namang gumaganda ang takbo ng turismo natin, tapos heto na naman ang bumabandera sa atin. Lalo tuloy tayong katatakutang puntahan. ‘Di ba naglabas na nga ng travel advisory ang Hong Kong at pati na rin ang ibang bansa ay may travel alert laban sa atin. Nakakaloka!

Anyway, maganda ang feedback kay Venus at lagi siyang nangunguna sa internet polling at hindi lang mga Pinoy, kundi pati ibang bansa ay pumupusta kay Venus na magwawagi sa Ms. Universe. Pero hanggang fourth runner-up lang ang nagetlak niya, okay na iyan!

Nalungkot lang ito nang nabalitaan niya ang nangyari sa kapwa Bicolana niyang si Melody Gersbach, kaya iaalay rin daw niya kay Melody ang laban niyang ito.

Nagkuwento nga ang kapwa niya beauty queen na si Nicolete Henson na sumama sa kanya sa Las Vegas na umiyak daw ito nang nalaman niya ang malagim na nangyari kay Melody. Isa kasi ito sa tumulong sa kanya sa paghahanda niya sa laban niya sa Ms. Universe.

Dadalhin na pala rito ang mga labi ni Melody dahil ililibing ito sa Angeles City. Sana maabutan pa ito ni Venus kung makauwi agad siya rito.

ANO NAMAN ITONG narinig kong kuwentong parang nabastos daw ni Zanjoe Marudo si Cristine Reyes sa taping ng teleserye na ginagawa nila?

Ang kuwento sa akin ng mga taga-Tweetbiz, aksidenteng nadulas daw si Cristine sa taping nila na kaagad namang nasalo ito ni Zanjoe. Pero ‘yung pagkasalo sa kanya, sa dibdib daw niya ito nahawakan. Hindi naman ito nabigyan ng malisya ni Cristine dahil mabuti nga at nasalo siya, pero ang ikinaiirita raw nito, nag-tweet daw itong si Zanjoe sa isang kaibigang direktor na parang tuwang-tuwang nahawakan niya ang mga malulusog na dibdib ni Cristine.

Siyempre nabasa ito ng seksing aktres dahil napa-follow naman sila. Kaya nagalit si Cristine at nag-tweet ito sa kanila na bakit doon pa nila napag-usapan sa Twitter na nababasa ng lahat. Bakit hindi na lang daw nila ito tinext kung gusto nilang pag-usapan ang pagkahawak sa dibdib niya.

Siyempre, feeling naman ni Cristine, parang nabastos siya dahil okay na sana ‘yung nasalo siya ni Zanjoe. Pero ‘yung nilagyan pala ito ng malisya ng aktor at pinag-usapan pa ng isang kaibigan niyang direktor, parang hindi nga naman maganda.

Nag-sorry naman daw si Zanjoe sa kanya pero parang hindi raw niya naramdaman ang sincerity ng pag-sorry nito kaya irita pa rin ito.

Kung anu-anong tini-tweet ni Cristine ngayon para ma-express lang niya ang irita niya sa ginawa sa kanya ni Zanjoe.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

18 thoughts on “Cristine Reyes, binastos ni Zanjoe Marudo?!

  1. mga tanga hindi niya imbento yan, totoo yan.. ung totoong twitter ni cristine reyes AA_is_VAVAVROOM, at confirmed na totoo bobita!

  2. Heller, bruha kang Lolit ka. major bobita ka talaga. eksena kaya yon sa Kristine series yang pinagkakalat mo. you are a major Boba….

  3. about hostage killing, hindi lang sa HK ngayon nakakahiya
    ang mga pinoy dahil sa tragedy, pati sa ibang bansa
    masama ang reputation nang mga pinoy: pok pok,
    kabit, manloloko sa negosyo, number one sa krimen
    etc.

  4. ANTANGA NTONG NAGCOMMENT ABOUT KAY KRIS.. BOBO KBA?!. AHAHAH! AYAN BA ANG CNSBE MONG MAKATI SI KRIS.. SI JAMES ANG MAKATI TANGA! AHAHAHAH! SI JAMES NAMIMIS DAW ANG ANAK NYANG SI BABY JAMES.. NAMIMISS BA TALAGA NYA EH NAGAWA NYA NGANG UMALIS AT MAGBAKASYON KSMA NG MGA KATEAM NYA. GAWA GAWA KA NG ISTORYA.. AHAHAHAA! KWAWA KA NO..

    • ay totoo yan, itong james pisaklong eh mahilig lang magdrama sa camera para kaawaan. panay ang sabi na nami-miss daw nya ang anak nya pero ng time na asa kanya na ang bata, naimbyerna ang kris kasi ng check nya ang anak nya ay andun sa bahay at ang ama e andun sa party.

  5. AHAHAHAH!! ktawa nga.. mga kapuso nanunuod.. ahahahaha!! ANG GANDA KSE NG KRISTINE EH.. KAYA AYAN TULOY MAS BINIBIGYAN NILA NG ATENSYON.. NANG ATENSYON PARA SIRAIN..

  6. ang mga bayaran talaga ni kris. KAHIT ANONG GAWIN NYO sirang sira na si kris, bakit di gagawin ni james ang mambabae di ba gawain din naman ni kriss ang manlalake. Di ba nagpunta kuno sa USA para mag pa abort, kaya nga nandunsi James dahil nga hahanapin nya yung doctor na nagabort sa baby ni kris at yung kanyang hmmmmmmmmp. Kaya magpadagdag kayo ng bayad para sa demolition control para sa PINAKAMAKATING BABAE SA BALAT NG LUPA.

  7. sa totoo lang,di ko gusto yang si james yap for Kris.Tatahi tahimik kunwari,para ano ?para makuha simpatiya ng lahat,na kunawari sya itong kaawa awa ?grrrrrrrrrr pasalamat nga sya at pinagtakpan sya ni Kris sa pambabae nya eh,diba nga dati yung kay Hope ?!Ang kupal na yan,kunwari wala paki sa pera ni Kris.Ngayon,lumabas din ang totoo.Kung talagang di sya interesado,eh di sana di sya nagdedemand,hayop,kapal !Atleast si Kris,kahit taklesa,totoo naman.

  8. God bless us always,,, please lang kris dont let james yap to get what he want esp. in money matter and property etc. kc you deserved all that in you kc ikaw ang nag work hard whatever you have now so please lang give mo nalang to josh and baby james para sa future nila kc always remember na ngayon pa nga lang ay di mo na maasahan si james manyak what more after many year dont let him na makuha what he demand please lang kc niluko kana pinagkakaperahan kapa

  9. hoy james yap mahiya ka namn na umasang makakuha ng pera kay kris kc pinaghirapan nya yon at ikaw naman habang nagtatrabaho si kris nambababae kaya you dont have the right na mag demand ng kahit isang kusing kay kris kapal ng mukha mo wala ka na ngang ibinibigay kay baby james at kay kris dahil sa kanya ka nalang umaasa tapos gusto mo pang makuha ang lahat ng pera pinaghirapan nya para yon sa anak mong si bimby at kay josh kaya huwag makapal mukha mo hayop ka

    • ANG GANDAGANDA NG KRISTINE,MANUOD PA KAU MAS MARAMI PANG LOVE SCENE ANG MAKIKITA NYO,GUSTO KUNG MAGKA PARTNER SINA DENICE LAUREL AT RAFAEL ROSSEL.NAKAKAIN LOVE SILANG DALAWA.C JEWEL NAMAN ANG ARTE NYA DE NALANG NYA TANGGAPIN NA MAG ASAWA SILA NI JAIME.AY NAKO…BASTA GUSTO KO ANG TAMBALAN NILA MARCO AT EMERALD. ABANGAN…..

  10. lumabas din ang totoong ugali ng jaes hayop yap nayan ang kapal ng mukha sabi nya hindi sya naghahabol sa pera tapos ngayon lumabas din ang totoo hindi si babay james ang hinahabol nya kundi ang kayamanan ni kris naku kris please lang huwag mong ibigay ang hinihingi niya kc una tama ka pinag hirapan mo yan at habang ikaw ay trabaho ng trabaho eh ang baboy mong asawa kuna na si james manyak ay pura pagpapasarap lang at pambababae ang ginagawa so please para kay josh at baby james at sayo narin maging matalino ka dont let him get everything he want he is such an asshole

    • hoy ano bang pakialam mo sa buhay ng mag asawa na yan?bakit mo naman nasabi na mukhang pera c james?cguro interesado ka rin sa pera ni kris ano…kaya ganyan naling ang galit mo kay james.aminin mo nalang.

  11. Lola lolit para lng my maisulat k,ang cnsbi u jn n ndulas issue ay isang eksena s kristine,that part was how they met!so,halatado lng n nano2od ka ng kristine hahaha sa ganda n2 pati kapuso manonood haha

  12. go! go! Kristine series ang gagaling ng cast specially DENISE LAUREL and RAFAEL ROsell! the hottest couple now in showbiz

  13. hay naku lolit…imbento ka na naman..i am ff christine reyes (iamsinglicious) in Twitter. At walang tweet na ganyan..hello…bitter kasi ang taas ng rating ng kristine..pakkk!

Leave a Reply

Your email address will not be published.