Cristine Reyes, ayaw na sa artistang boyfriend!

BACK-TO-BACK pala ang special issue ng FHM ngayong buwan ng Setyembre. Magkasama sina Cristine Reyes at Robin Padilla sa cover. Si Robin ang kauna-unahang lalaki na naging cover ng FHM Philippines. Masayang-masaya si Cristine dahil sa pangalawang pagkakataon ay naging cover girl siya ng sexy magazine.

Mas daring ngayon ang naging pose ni Cristine para sa cover ng magazine dahil kahit nakasuot siya ng maliit na bra ay halos kaunti na lang ang natatakpan sa kanyang boobs. Wala namang kaso daw kay Cristine ang pagpo-pose ng sexy gaya nang kanyang ginawa sa FHM, lalo pa’t kung pumayag din naman daw ang kanyang manager.

Pero sobrang pressured si Cristine sa pagiging number one ng Philippine’s Sexiest Women. “Oo, sobrang pressured talaga ako kasi hindi ko tuloy alam kung ano minsan ang isusuot ko pag lalabas ako o gigimik kasi lahat nakatingin sa ‘yo,” pahayag ng sexy actress. Bukod sa pressure ng pagiging sexy, e, medyo pressured din ngayon si Cristine sa nalalapit niyang pagpunta sa South Korea para sa isang festival awards night doon.

“Aalis kami mga second week of September, punta kaming Korea para sa isang awards night doon. Nominated kasi ang Eva Fonda saka ako for the acting role. Sana manalo, sana talaga,” kuwento niya.

Aminado talaga si Cristine na biggest break niya talaga ang Eva Fonda at marami talaga ang nakapansin sa kanyang husay at talento sa pag-arte. Ngayon nga ay umiingay na rin ang kanyang latest project sa ABS-CBN, ang Your Song Presents: Babalik Kang Muli kung saan kasama niya ang magaling na aktres na si Jackylyn Jose. Challenging na naman ang role ni Cristine dito kaya sobrang happy siya. May isa pang primetime show na gagawin si Cristine ngayon sa ABS-CBN. Ayon sa aming source, parang drama anthology ang peg ng new show ni Cristine.

Sa lovelife naman, e, wala pa talagang oras si Cristine rito. Kumbaga sa dingding, eh, talagang sumalpok siya sa isang dingding at nagising ito sa katotohanan. Ayaw na muna raw niyang sumabak sa isa na namang relasyon. At kung magkaka-boyfriend na ulit siya, mas gugustuhin daw niya ang non-showbiz. Ayaw na raw niya ng intriga kaya mas gusto niya ang lalaking hindi artista.

Okay na rin pala sila ng kanyang mga kasamahan dati sa Banana Split na sina Pokwang at Angelica Panganiban. At si RR Enriquez, siya na mismo ang nagsabing siya ang mauunang lalapit kay Cristine pag nakita niya ito. Pero ayon sa aming source, hindi na babalik sa Banana Split si Cristine. Mas magco-concentrate na lang daw ito sa drama anthologies, series or specials para mas maipakita pa daw ng batang aktres ang kanyang galing sa pag-arte! Tama nga naman!

Pinoy Parazzi

About the Author

has written 5562 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.