Premiere Shots: Cristine Reyes at Richard Gutierrez, nag-boating sa Subic

Ibinuking ni Manay Lolit Solis kahapon na mistulang nag-date sina Cristine Reyes at richard Gutierrez. Ang sabi ng pamosong talent manager, may nakakita sa kanila sa Subic na magkasama buong maghapon.

“Ano ang ginagawa n’yo sa Subic kahapon,” tanong ni Manay Lolit sa presscon ng Patient X kahapon.

Medyo natulala si Richard at hindi kaagad nakasagot.

“Paano n’yo nalaman? Ano, nag-unwind lang kami doon. Ang bilis naman ng balita. Pati pala sa Subic, may ano,” say ni Richard. “Actually, gusto lang naming mag-boating na hindi itinataya ang buhay namin.”

Wala ring nagawa si Cristine kundi ang umamin na rin.

“Nandoon kami sa Subic kasama ang mga kaibigan namin. Wala lang, relax-relax lang,” sambit naman ni Cristine.

May isang reporter ang hindi nakatiis at tinanong kung ilang oras sila nagtagal sa Subic.

“Nandoon kami mga lunch time hanggang dinner time. Siguro umalis kami roon mga 10 p.m. kasi nakauwi kami mga alas dose na ng hatinggabi,” esplika ni Cristine.

Hindi kaila sa marami na may espesyal na partisipasyon ang tubig sa dalawang stars ng Patient X.  About three weeks ago ay ini-rescue ni Richard si Cristine mula sa bubong ng bahay nila sa Provident Village sa Marikina.

Premiere Shots
Pinoy Parazzi News Service

loading...

2 thoughts on “Premiere Shots: Cristine Reyes at Richard Gutierrez, nag-boating sa Subic

Leave a Reply

Your email address will not be published.