Cristine Reyes at Rayver Cruz, pinaghahandaan na ang pagpapakasal

KAGAGALING LAMANG sa 10 araw na bakasyon nila sa New York, agad naming tinanong si Cristine Reyes sa mga kuwentong lumabas na nagpakasal daw sila ng lihim ng boyfriend na si Rayver Cruz sa America. Nagbiro pa nga sa amin si AA na ‘di sila nag-imbita dahil wala silang budget, pero klinaro din naman niya sa amin na walang kasalang naganap pero alam niyang mangyayari ito sa kanila sa hinaharap.

Tumuloy sa bahay ng matalik na kaibigan sa New York, kinita na lang nila Rayver at Cristine ang mga malalapit nilang kaibigan doon, nag-bonding din nang husto ang dalawa, kung saan ayon kay Cristine ay wala silang ginawa kundi maglakad, manood ng plays at kumain na lalong nagpatibay ng bonding nila bilang mag-boyfriend.

Ngayon ang huling linggo ng Reputasyon kung saan labis-labis ang pasasalamat ni Cristine sa mainit na pagtanggap ng publiko sa pinagbidahang serye at sa tambalan nila ni Rayver. Sa nasabing show nabuo ang pagkakaibigan sa pagitan nila AA at Aiko Melendez na bukas na aklat na hanggang ngayon ay ‘di pa naayos ang gulo sa nakatatandang kapatid na si Ara Mina.

Ayon sa aktres, laging sinasabi sa kanya ni Aiko na little sister ang tingin nito sa kanya, ang ikinaganda ay hindi ito ikinagalit ng kapatid na si Ara kundi deadma lang ito kung maging close man silang dalawa dahil bukod sa halos sampung taon na rin itong nangyari ay may kani-kaniya na rin silang buhay. Masaya at kuntento si Ara sa piling ng non-showbiz boyfriend na nanggaling sa pamilya ng mga Yap samantalang bali-balita na mukhang mauuwi raw sa balikan ang magandang namamagitan ngayon kina Aiko at sa dating asawa na si Jomari Yllana.

 

ISANG SOURCE ang nagsabi sa amin na mawawala pansamantala sa ere ang Gandang Gabi, Vice at babalik ito ng June or July ngayong taon. Dati pa naman ay sinabi na mismo ni Vice Ganda na siya na ang mag-dedesisyong tapusin o pagpahingahin muna ang show ‘pag pakiramdam niya ay wala na siyang maibibigay na bago sa publiko, maaaring dumating na ang saturated point kung saan alam mismo ni Vice na kailangan niya munang mag-recharge at mag-isip ng mga bagong maihahain sa tao.

Nakarating din sa amin na ilang Sabado na lang ang itatagal ng E-Live sa ere at papalitan daw ito ng bagong show kung saan isa sa magiging host ay ang nagbabalik-Kapamilya na si Carmina Villaroel.

Ang ikinaganda sa pagkawala ng mga nasabing shows, may mga kapalit naman ito agad kung saan hindi lang mga artista ang may mga bagong shows agad kundi maging ang mga staff at production crews.

 

PAGKATAPOS NG halos isang dekada na hindi siya nag-show sa bansa, balik-Pilipinas ang mahusay na international singer na si James Ingram. Mapapanood sa Smart Araneta Coliseum this coming February 17, at February 18 naman sa Waterfront Hotel sa Cebu. Guest ang internationaly-acclaimed si-nger na si Lea Salonga, muli nating pakinggan at panoorin si James habang inaawit niya ang pinasikat niyang kanta gaya ng Just Once, How Do You Keep The Music Playing, I don’t Have The Heart, There’s No Easy Way To Break Somebody’s Heart, Whatever We Imagine, at Somewhere Out There na talaga namang tumatak sa puso nating mga Pinoy.

Ang nasabing special Valentine’s concert na ito ni James ay handog sa atin ng That’s Ntertainment Productions na pinamamahalaan ng actor-cum-producer na si Joed Serrano na kilala na isang mahusay na producer, ka-partner niya rito si Ms. Cora Rodrigo. Makabibili ng ticket sa Ticketnet sa numerong 911-5555(Manila) at 2326888 naman para sa Waterfront Hotel sa Cebu.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

6 thoughts on “Cristine Reyes at Rayver Cruz, pinaghahandaan na ang pagpapakasal

  1. DI AN DAPAT MAGPAKASAL YANG MGA IMORAL NA MAG-JOWA NA YAN KC NAGKAKANTUTAN NA NMAN CLA. PERO BKA NMAN PAKASALAN NG USER NA C RAYVER C CRISTINE KC ALAM NYA NA WALA CYANG CAREER AT PWEDE NYANG SANDALAN C CRISTINE KHIT PA NGA NAKIKIPAG-KANTUTAN SA IBA ANG JOWA NYA. MAHILIG TALAGA C RAYVER MGA GAYA NI CRISTINE NA PINAG-PARAUSAN NA NG KUNG CNO-CNONG MGA LALAKE. KUMBAGA YUNG MGA BUTAS NI CRISTINE LIKE BUNGANGA NYA, PWET AT PWERTA EH CATCH BASIN NG TAMOD. BWAHAHAHAHAHAHAHAHA

  2. pasakay na lang ni vice ganda ‘yan, kunwari nauubusan ng bala ng patawa. ang totoo, nakakasawa na rin siya… paulit ulit lang. hindi na nga nakakatawa ang show niya sa gabi… parang wala lang

  3. Kahit liyanera-liyanera pa ang handang matamis na l ec he plan sa kasal nina christine at rayver, tiyak na tiyak, MAGHIHIWALAY rin sila!

Leave a Reply

Your email address will not be published.