Cristine Reyes at Rayver Cruz, nagkabalikan din?

Cristine-Reyes-Rayver-CruzANO KAYA ang ipinahihiwatig ng litratong ipinost ni Cristine Reyes sa kanyang Instagram account? According to ABS-CBNnews.com, nag-post kamakailan si Cristine ng picture na kasama si Rayver Cruz. Marami tuloy ang nagtatanong if they are giving love a second chance.

Mukhang nauuso yata ngayon ang ganito sa mga pusong minsan nang nagkalayo – nauna na rito sina Luis Manzano at Angel Locsin. Coincidentally, Luis and Angel also posted sweet photos on their Instagram accounts. At hindi ba pati sina Prince William at Kate Middleton ay naghiwalay din noong 2007? Pero makaraan ang ilang buwan, sila ay nagkabalikan and now they are the proud parents of their son, Prince George of Cambridge.

Malay natin ganito rin ang mangyari kina Cristine and Rayver who broke up in 2012? Despite the separation, they remained good friends. Matatandaang noong una ay ayaw pa nga nilang ipaalam sa publiko na hiwalay na sila pero sabi nga, walang sikreto ang hindi nabubunyag. Cristine then dated Derek Ramsay but the relationship didn’t work out.

At ngayon ay mukhang muling mabubuhay ang intrigang posibleng magkabalikan ang dalawa lalo pa’t pareho naman silang single ngayon. Sa photo na pinost ni Cristine, it looked like she and Rayver were inside a mall in Dubai kung saan kasama sila sa shows ng ASAP. Although there was no caption, nilagyan naman ito ng tatlong heart emoticons ni Cristine.

Wala namang imposible kung sila talaga ang nakatadhana sa isa’t isa kahit pa sinabi ni Rayver sa kanyang naunang interview that he doesn’t foresee any reconciliation between them as of this time. Well, let’s wait and see na lang.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

3 thoughts on “Cristine Reyes at Rayver Cruz, nagkabalikan din?

Leave a Reply

Your email address will not be published.