Cristine Reyes, ‘not guilty’ kay Sarah Geronimo!

MAY BOOK 2 na ang hit primetime series na Precious Hearts Romances Presents Martha Cecilia’s Kristine. Mas magiging mainit at kapana-panabik ang bawat tagpo sa teleserye dahil maraming mga babaeng papasok sa istorya. At kung si Jewel, ang karakter ni Cristine Reyes, ay dating sweet at ‘di palaban, ngayon sa Book 2 ay magiging mas matapang na siya.

Masaya si Cristine dahil may Book 2 na ang series. Nagpapasalamat siya sa mga taong walang sawang sumusuporta sa Kristine and she promised na mas lalo raw nila itong pagagandahin.

Kung magiging matapang na ang kanyang karakater sa Book 2 ay naging matapang din si Cristine when she guested on The Buzz at walang takot na sumalang sa The Abunda Challenge.

Patunay rito ang kanyang mga maaanghang na sagot sa aking mga maiinit na tanong. When asked to rank kung sino sa kanila nina Angel Locsin at Marian Rivera ang sexy, sinabi ni Cristine na siya ang una, pangalawa si Angel at pangatlo si Marian.

Siya raw ang pinakamaganda sa lahat ng mga naging girlfriends ni Dennis Trillo. “Ako iyon siyempre,” her curtly reply.

Umalis daw siya sa grupong Ampalaya Anonymous because she felt na naiwan nila siya sa ere when she had a rift with actress Pauleen Luna. Nagkasamaan din daw sila ng loob nina Angel Locsin at Maxene Magalona dahil dito. Ampalaya Anonymous is composed of Angel, Cristine, Maxene, Glaiza de Castro, Bianca King, Bubbles Paraiso and Rich Asuncion.

Wala raw siyang dapat ika-guilty kay Sarah Geronimo at kamakailan lang daw ay nagkausap silang dalawa.

Ni minsan ay hindi sumagi sa kanyang isipan na mag-suicide dahil sa lalaki. Her family is more important than love. Kung siya ang papipiliin, Zanjoe Marudo, her leading man in Kristine, is hotter than Rayver Cruz and Dennis Trillo. “Para sa akin, hot talaga.”

Ang daddy raw niya ang lalaking mas higit niyang minahal kaysa kay Dennis Trillo.

Inamin niyang hinalikan siya sa lips ni Rayver. “Opo, siyempre naging kami, eh.” Pero hindi na raw sila ni Rayver ngayon. Matagal naman siyang nag-isip at mukhang nahirapang sumagot when I asked her if she loves Rayver. She instead decided to walk away than answer our question. Sa The Abunda Challenge kasi ay hindi namin pinipilit ang mga panauhin na sumagot sa aming mga kata

nungan. Binibigyan namin sila ng karapatan to walk away or to answer our questions.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

Previous articleJAKE CUENCA, INAMIN NA SI MELISSA RICKS!
Next articleJennylyn does the ‘New Klebang Queen’

No posts to display