Cristine Reyes, ‘di sinuportahan si Ara Mina noong kampanyahan?!

HINDI NA PALA feel ni Daniel Matsunaga na pag-usapan pa ang kumalat niyang nude photo sa internet.

Sabi ng aming source, hindi na sasagot sa mga tanong si Daniel na may kinalaman sa mga hubad niyang larawan. Ayaw na niya itong pag-usapan at gusto na niyang maka-move on mula sa kontrobersiyang ito.

In fact, nagdadalawang-isip nga raw ang binata kung aapir siya sa presscon ng Langit sa Piling Mo dahil malamang ay itanong na naman sa kanya ang pagkalat ng kanyang nude photos. With this, malamang nga raw ay hindi siya umapir sa presscon ng soap nila ni Heart Evangelista.

Nakabalik na sa bansa si Daniel matapos ang halos isang buwang bakasyon sa Brazil. Say pa ng aming source, hindi raw totoo ang tsismis na sa Hong Kong lang nanggaling ang Brazilian hunk. Ang totoo, sa Brazil ito nanggaling dahil binisita ang kanyang pamilya matapos um-attend ng premiere night ng D’ Survivors.

A few weeks from now at pupuntang Hong Kong si Daniel para mag-taping ng isa pang bagong show, ang Love Bug. Makakasama niya rito si Kris Bernal na nakapareha niya sa The Last Prince kung saan gumanap siya bilang werewolf.

“HINDI NAMAN SA hindi sinuportahan, bumababa rin naman siya pero hindi ko madalas siya mayaya. Hindi ko siya mayaya na mag-house-to-house kasi ang init.”

Iyan ang sagot ni Ara Mina sa tsismis na hindi siya sinuportahan ni Cristine Reyes sa kanyang pangangampanya noong nakaraang eleksiyon.

“Bihira ko lang siyang istorbohin. Ayoko rin namang sabihin nila na ginagamit ko rin ang kapatid ko,” dagdag pa ni Ara na nagbiro ring, “Baka ayaw rin niyang umitim. Feeling ko lang. Pero wala naman siyang sinabing ganoon.”

Naiintindihan n’ya ang kanyang younger sister. “Busy rin naman kasi siya, eh. Siyempre, mas importante ang trabaho. Nagpa-reserve lang ako ng big events, big rallies, doon ko lang siya pinababa.”

At para patunayang okay silang magkapatid, sinabi ni Ara na tuloy ang US concert tour niya with Cristine.

BLIND ITEM: MUKHANG bilmoko talaga ang ex-husband ng isang aktres.

May nakakita kasi na may kasama itong girlfriend nang rumampa sila sa isang sikat at sosyal na mall kamakailan. Super sweet ang dalawa at wala silang pakialam sa mga nakakakita sa kanila.

At nang may matipuhan daw sa isang sosyal na boutique ang ex-husband ng aktres, humingi raw ito ng datung sa kanyang dyowang non-showbiz para bilhin ang kanyang nagustuhan.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

4 thoughts on “Cristine Reyes, ‘di sinuportahan si Ara Mina noong kampanyahan?!

  1. SI ARA WALA NG BUMIBILI NG PAGMUMUKHA NIYA MATANDA NA KASI SIYA AKALA NIYA KIKITA SIYA KUNG MANALO KASO TALO hihihihihi hostes na laos

  2. Pingback: FILIPINAS IN SHOWBIZ [ Marian Rivera/KC Concepcion/Claudine Barretto ]

Leave a Reply

Your email address will not be published.