Cristine Reyes, ‘di raw binato ng make-up si Rayver Cruz!

TAKANG-TAKA ANG ISANG malapit kay Cristine Reyes kung saan nanggaling ang tsikang ibinato ng dalaga ang iniregalong make-up sa dyowang si Rayver Cruz.

Hindi makapaniwala ang nakausap namin sa lumabas na tsikang iyon. Unang-una, wala naman daw instance na ibinato ni Cristine ang make-up ni Rayver dahil hindi niya ito ginagamit. Pangalawa, hindi raw pumupunta si Cristine sa dressing room ni Rayver Cruz kapag nasa ASAP sila.

It’s still a mystery sa kausap namin kung paano nasulat ang tsikang iyon gayong wala naman daw ganoong insidente.

 

NAGPAKITA NA NAMAN ng generosity si Nora Aunor sa cast party ng Sa Ngalan ng Ina.

Namudmod ng rafle prizes ang Superstar at take note lahat mamahalin. Ang ilan lang naman sa ipina-raffle ay iPod, iPhone, laptop at cellphone. Namigay rin ng cash prizes ang premyadong aktres para sa winners ng parlor games. Ginanap ang cast party sa Buddha Khan Restaurant sa Cubao.

Nabanggit din sa amin na bagama’t wala naman sa cast party si John Rendez ay na-mention ang name nito nang pasalamatan ang rapper-actor dahil sa kanya raw galing ang ilang prizes na ipinamigay sa cast party.

 

BLIND ITEM: COOL off at hindi naman daw talagang naghiwalay for good ang young couple na ito.

Kinailangan daw nilang gawin ito because of  the actor’s dwindling popularity. Hindi na raw katulad ng dati na napakataas at parang nasa pedestal ang aktor.

Simula noong magkaroon siya ng dyowa ay sinasabing nabawasan na ang mga tagahanga ng aktor. Mas gusto raw kasi ng fans na wala siyang love life.

 
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

4 thoughts on “Cristine Reyes, ‘di raw binato ng make-up si Rayver Cruz!

  1. dapat siguro matuto mag-save si nora habang me projects sya. baka pag wala na sya uli projects targetin na naman ng BI ni cristi vermin yan na naghihirap na. nakaipon na kaya sya ng pang-opera para bumalik yung singing voice nya?

  2. Pingback: Cristine Reyes, ‘di raw binato ng make-up si Rayver Cruz! - Cristine Reyes

Leave a Reply

Your email address will not be published.