Cristine Reyes’ dream house soon to rise in Ayala-Alabang!

 

KINUMUSTA KO ANG komedyante cum singer cum radio host na si Arnell Ignacio hinggil sa kanyang
kasong isinampa laban sa mga diumano’y ‘kotong cops’ na bumiktima sa kanya kelan lang dahil pinag-initan
ang kanyang sasakyang Porsche.
Actually, nawiwindang si Arnell sa ilang reporters na nag-i-interview sa kanya. Actually, merong nag-iisa
lang at ikinaloloka nga niya na hindi nito maintindihan na ang ipini-prisinta na niyang mga papeles na may
kinalaman sa pinagdidiskitahan niyang sasakyan eh, certified true and correct.
Kaya nga raw umabot na siya sa puntong dinala na rin niya ang ilang TV crews sa mismong opisina ng LTO (Land Transportation Office). Para sa mga katanungang gusto nilang masagot tungkol sa plaka ng kanyang sasakyan pati na sa rehistro nito. Kaya naloloka si Arnell, ipinagpipilitan daw ng isang reporter na kumapanayam sa kanya na hindi totoo ang mga papeles na ipinapakita niya.
“Ang kulit nga! Sinabi ko na na ‘yung ipinakita ko sa kanya eh, orihinal na kopya. Ayaw pang maniwala. Kaya,
isinama ko na ang ibang TV crew sa LTO. Nagtatawanan na nga ‘yung mga nandu’n sa opisina. Kasi sabi ko,
eh, kung sinasabing peke pa rin ‘yung papeles na dito mismo nanggaling sa LTO, eh ‘di sige, kunan n’yo ang
opisina ng LTO at sabihin n’yo ring peke. Actually, nag-iisa siyang ganon. ‘Di ko alam kung tatawagin ko siyang
bobo o ano ba? Hindi niya maintindihan ‘yung ipinapakita ko sa kanyang kailangan niya. Siya lang naman ‘yung
gano’n. Ano ba ‘yun?”

“Kaya nga naloloka ako, kasi panay ang pilit nila na hot car ang sasakyan ko. Kilala mo naman ako. Ang tagal
ko nang paiba-iba ng sasakyan dahil ‘yan na ang business ko. Buy and sell. At ‘yung gusto ko, ginagamit ko
naman talaga. Nagpapaayos ako ng mga sasakyan. Isinasali ko pa sa mga car show. Ngayon, pinagdiskitahan
lang ang sasakyan ko, kung anu-ano pa ang gustong palabasin tungkol sa akin. Nag-release na ang LTO ng
certificate na hindi hot car ang sasakyan ko, ayaw pa ring magsitigil. Lagi naman, kumpleto ang mga papeles ng
mga sasakyan ko.”
Kung hanggang kelan bubunuin ni Arnell ang pinagdadaanan niyang ito eh, ang kamay ng Hustisya na ang makakasagot.

NAPAG-ALAMAN NAMING BUMILI ng bagong lote si Cristine Reyes sa may Ayala-Alabang, kung saan isinasaayos na niya ang disenyong ipapagawa niya para sa kanyang dream house.
“May nag-suggest kasi sa akin na instead of having a rest house eh, bakit daw hindi ang bahay na ipagagawa ko ang
gawin kong rest house. Tama nga naman, functionality, ‘yung spiritual side, pati emotional-nandun na lahat. Kaya
‘yun ang aasikasuhin ko ngayon. Kaya, wala akong tinatanggihang trabaho, Tita. Dati, may konti lang hindi ako
magandang pakiramdam sa katawan ko, hindi ako magtatrabaho. Pero ngayon,kesehodang may sakit ako, go nang go!
Ganito pala talaga ‘pag may goal ka na at pinaglalaanan na ng mga pinagpapaguran mo.”
Tama! Hindi si Cristine ang tipo na aasa sa mapapangasawa niya ng magiging dream house niya. Pero kung meron na
ang magiging katuwang niya eh, ‘di mas maganda, para na lang daw may another house pa sila!

KUNG SI CRISTINE eh, bumili ng kanyang bagong lote, si Ai-Ai delas Alas naman daw eh, pinamanahan ng kanyang lolo ng lupa, na plano naman niyang i-convert sa isang resort.
Wala pa ring lalaking idinidikit ngayon sa Comedy Queen. Dahil ang tipo raw niya eh, hindi na ‘yung mga bagets na
bagets. Pero hindi naman daw matandang-matanda na as in parang 100 years old na. ‘Yung tama lang daw.
Hindi lang naitanong sa Comedy Queen kung nagbago na ba ang preference niya sa magiging significant other niya.  Open naman si Ai-Ai sa kanyang mga nakarelasyon – kapwa babae, foreigner, bagets, name it.
Kung sino ang nagpapalutang lalo ng kanyang pagiging flawless eh, isang katanungan pa rin ang sagot eh, patuloy pa ring isinisikreto ng muling iniluklok as Box-Office Queen ng Guillermo Mendoza Memorial Foundation Awards.

 

The Pillar
by Pilar Mateo

Related Post

loading...

7 thoughts on “Cristine Reyes’ dream house soon to rise in Ayala-Alabang!

  1. Agree ako kay tangang talagalang, makinis talaga si Christine, lalo nat kung makita mo sya sa tv at itapat sa ibang artista at i focus yong mukha nya, ang linis nya tingnan, kinis kasi nya. Hayyyy nakaka jealous yong complexion nya.

  2. Baka naman kasi makaka KOTONG ANG MGA PULIS kaya pinag interesan si Arnell . Grabe ang mga pulis…swapang talaga. Nagmana ke GMA!! Tagal kasi sa puesto ni GMA..nakakahawa iyong kati ng kamay.

  3. More more blesssings cristine hardworking ka naman, maganda, mapag mahal sa pamilya at magaling na actress! what you get is what you deserve.. what you deserve is what you get :)

Leave a Reply

Your email address will not be published.