Cristine, kuntento na kay Rayver

Mukhang lumalalim na talaga ang relasyong Cristine Reyes at Rayver Cruz. Since Rayver admitted on The Buzz that Cristine is his girlfriend, tila unti-unti na silang nagiging open sa publiko tungkol sa kanilang relasyon. They even celebrated Christmas with Cristine’s family in Tagaytay Highlands at kina Rayver naman sila noong New Year.

Binigyan diumano ni Rayver si Cristine ng isang promise ring noong nakaraang Pasko at ipinakita naman ng aktres ito sa The Buzz.

“Nu’ng ibinigay niya sa akin iyong ring, talagang iniingatan ko ito kasi never akong nagsuot ng singsing sa buong buhay ko dahil walang kumakasya sa akin na ring. So sabi ko, para itong destiny. Ngayon lang may nagkasya sa aking ring, so parang meant to be. So, tuwang-tuwa rin ako as in kahit naliligo ako, ‘di ko siya tinatanggal,” kuwento ni Cristine.

Noong una, naging bulung-bulungan na magpapakasal na silang dalawa at engagement ring ang ibinigay ni Rayver sa aktres. Ano kaya ang sinisimbolo ng promise ring at ano kaya ang pangakong pinanghahawakan ni Rayver kay Cristine?

In their almost five months of being together as a couple, sinabi ni Cristine na, na kay Rayver na raw lahat ng mga qualities that she is looking for in a guy.

“Ang gusto ko lang naman mahal ako, mahal din iyong family ko at iyong ipinapakita mo talaga na sincere ka sa akin.”

Cristine flatly denied the rumor that she is planning to leave ABS-CBN. Sinabi niya na mananatili siyang Kapamilya sa matagal na panahon. “Matagal pa po ako sa ABS-CBN. At saka gusto ko rito. At home ako sa lahat ng projects na ibinibigay nila sa akin. Sobrang thankful ako, kasi rito ako nag-grow. Although siyempre kaya siguro tinatanong iyan kasi may ka-tweet ako na mga taga-ibang channels. Pero siyempre ‘di naman maiiwasan dahil mga kaibigan ko rin iyon. Pero it doesn’t mean na lilipat ako.”

Hindi raw isasara ni Cristine ang kanyang Twitter account na siyang nagiging sanhi why she is often involved in various controversies.

Ang New Year’s resolution raw niya ay tanggalin lahat ng kanyang sama ng loob sa mga tao para maging masaya ang kanyang buhay. “Kasi maikli lang ang buhay natin. ‘Di natin masasabi. At least na-enjoy mo iyong life mo,” she said. Sabi nga niya, new year, new life at new beginnings.

Her message for Rayver, “Sobrang thank you sa lahat and sobrang binigyan mo ulit ng kulay iyong buhay ko. Nagkaroon na ako ng direksyon. Nagkaroon na ako ng parang kasama sa paglalakad ko sa buhay. Salamat sa pagmamahal mo. Basta malaki kang bagay na dumating sa buhay ko.”

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.