Cristina Decena-Villasanta: Successful real estate magnate-turned-showbiz

AYON SA MGA sabi-sabi sa pakikipag-isang dibdib niya kay Ariel Villasanta, kayamanan lang nito ang habol ni Ariel, na mariin namang pinabulaan ni Cristina Decena. Dahil ayon sa mga balita, si Ariel ang kusang naglagda ng ‘pre-nuptial agreement’. Sabagay, anuman nga ang isipin ng tao basta ang importante kasal silang dalawa at ito ay isang katibayang nagpapatunay na mahal nila ang isa’t isa at magkasundo. At bagay na napagkasunduan ng dalawa ang pasukin ang bagong industriya ng showbizness.

Sa aking nakita at narinig, tila aliw na aliw si Cristina sa sinimulan ni Ariel na Mommy Elvie’s Problematic Show, “That was three years ago. As a businesswoman and wife of Ariel, gusto ko lang magbigay ng suporta. Gusto ko lang magbigay ng guidance and support at gawing maayos at nasa sistema ‘yung productions. Ako naman, I see to it na as a wife and right hand niya, ako iyong nasa operations.”

Is this your very first project? “As an EP. As a producer, ito ‘yung first project namin. Although bago kami ikinasal, pino-produce na niya itong show na ‘to, iba lang ang title.”

Ayon sa negosyante, masaya siya sa malaking suporta at sa pagtutulungan nila ni Ariel. Ano ba ang paboritong pagkain ni Ariel?  “Simple lang na pagkain ang mga gusto n’yan, eh. Chicharon, longganisa, giniling. Siguro, nasanay na walang asawa sa mahabang panahon kaya ang pagkain nyang’ hinahanap eh ‘yung madaling kainin, ‘yung nakakain lang sa tabi -tabi. Siomai, gusto n’ya.”

Alam ba ninyong kahit daw nasa ibang bansa sila ay sa mga tabi-tabi lang sila kumakain. Nagtitipid kaya? “Ganun din, kumakain lang kami sa tabi-tabi. Kaya ‘pag may nakakakita sa akin, talagang I’m taking the chance of the situation na walang masyadong matang nakatingin, so kumakain kami nu’ng kung ano lang ‘yung nasa tabi-tabi.”

Naks! Siguro nae-enjoy lang nila ang ambience at mga views sa ibang bansa. Magkasundo ba naman ang magbiyenan?  “Ah, she’s adorable! ‘Di ba maraming magbiyenan na hindi nagkakasundo? Kaming dalawa lagi kaming nagmamahalan. Mabait kasi ang aking biyenan.” Hahaha! Compatible nga itong dalawa.

At ngayon pinaghahandaan nila ang mga incoming projects na maaari pang magpaganda sa kanilang career sa mga programa nila sa telebisyon. So, paano baka 10 years from now para na kayong si Mother Lily at kilala na kayong producer ng malalaking films. “Why not? Wala namang tatanggi sa success, kasi napaka-succesful ni Mother Lily.”

Ayon sa kanya, darating ang araw na magdi-discover sila ng artista sa show na ‘Manager’s Choice’. Doon, mag-i-scout sila ng mga talent sa iba’t ibang lugar at barangay. Tapos kung sino yung mai-scout nila, pakikilala rin nila sa GMA-7 and TV5. “Ah, iba talaga dito sa production. Iba pala ang mundo. Tingnan mo, nag-e-enjoy ka na, kumikita ka pa. Talagang pagod na pagod sila pagkatapos ng shoot, pero masaya sila kasi gusto nila ‘yung ginagawa nila, eh. Sa tingin ko, habang gumaganda ‘yung takbo ng ‘Mommy Elvie’ siyempre ‘di kami bibitaw. Kasi ‘pag successful ka, lalo mong pagbubutihan.”  At alam ba ninyo na inamin sa ‘kin ng negosyante na bago sila nagpakasal ay pina “CI” pa niya si Ariel. At sa lahat ng detalye ukol sa asawa ay napatunayan niyang mabait ito at masipag. At tiyak magiging successful silang dalawa sa kanilang bagong business venture.

Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.

Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.

For comments and suggestions, e-mail: orobiakpp[at]yahoo.com and/ or maestrorobiaparazzi[at]yahoo.com.

ni Master Orobia

loading...

One thought on “Cristina Decena-Villasanta: Successful real estate magnate-turned-showbiz

Leave a Reply

Your email address will not be published.