Cristina Decena, nagpakatanga sa pag-ibig!

Cristina-DecenaAMINADO SI Cristina Decena na nagpakatanga siya sa ngalan ng pag-ibig.

“Ang dami ko ng katangahan, ang dami ko nang pagkakamali. Ang dami ko ng pagkakamali at ayoko nang dagdagan pa,” pag-amin ni Cristina.

“Sabi ko, ang sarap ng may minamahal at merong nagmamahal kaya lang dadating ‘yun kahit hindi mo hilingin. Pero ‘pag dumating ‘yon ay hindi ko siya priority. Kaya hindi ko siya priority ay dahil sa sobrang dala na,” dagdag pa niya.

So, nadala na talaga si Cristina sa kanyang failed romance kaya naman she’s focused sa kanyang negosyo. Meron siyang 20 hectare na lupang ide-develop bilang subdivision sa Bulacan at narito ngayon ang kanyang concentration.

Fulfilled na rin siya sa buhay dahil meron na naman siyang Gawad Amerika award na Most Outstanding Filipino – Crimefighter. Advocacy niya ngayon ang pagbibigay ng mukha sa katulad niyang muntik nang mamatay sa ambush. Kinakausap niya ang mga mambabatas para i-push ang mas mabigat na parusa sa frustrated murder matapos niyang ma-experience ang mabaril habang lulan ng kanyang sasakyan.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

One thought on “Cristina Decena, nagpakatanga sa pag-ibig!

Leave a Reply

Your email address will not be published.