Criminology Student, Utas sa Pamamaril

PATAY SA pamamaril ang isang graduating criminology student sa Calamba City, Laguna.

Kinilala ang nasabing biktimang si Bernard Yarguilles, 24 anyos, residente ng Barangay Bambang, Los Baños sa Laguna at estudyante ng Laguna State Polytechnic University.

Lumalabas sa pagsisiyasat ng mga awtoridad, nasa pinapasukang gasoline station sa Calamba City ang biktima nang malapitang barilin ng salarin na sakay ng motorsiklo.

Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan si Yarguilles na nagtamo ng pitong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa ngayon, blangko pa rin ang mga kapulisan sa motibo at pagkakakilalan ng salarin.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.