Crew, Tinodas sa Harap ng Pinapasukan

PATAY ANG crew ng Baliwag Lechon Manok matapos barilin ng dalawang hindi pa kilalang mga suspek sa tapat ng pinagtatrabahuan ng una sa Malabon City kahapon ng madaling-araw.

Hindi na umabot nang buhay sa Pagamutan Lungsod ng Malabon sanhi ng mga tama ng bala sa katawan si Elmer Lunas, 33, ng Bagong Silang St., Daanghari ng lungsod.

Sa ulat, alas-3:30 ng madaling araw, nakatayo ang biktima sa tapat ng Baliwag Lechon Manok sa Rizal Avenue, San Agustin ng lungsod nang sumulpot ang mga suspek at pagbabarilin si Lunas.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek habang dinala naman ang biktima sa PLM kung saan inaalam na kung sino at ano ang motibo ng mga una.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.