Credit Investigator, Patay sa Ulan ng Bala

NAPATAY ANG isang 47-anyos na credit investigator ng Fortune Cashmine matapos na pagbabarilin sa balkonahe ng kanilang tahanan sa bayan ng Basista, Pangasinan kamakailan.

Napuruhan sa dibdib ng mga tama ng bala ng cal. 45 pistol ang biktimang si Arsenio Bautista at idineklarang patay sa Blessed Family Hospital sa San Carlos City.

Base sa report na nakalap ng Camp Crame, naganap ang nasabing pamamaslang ng riding-in-tandem sa Barangay Anambonga bandang alas-7:45 ng gabi kung saan nagpapahinga ang biktima sa kanilang bahay. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.