Crackdown Kontra Illegal Workers sa Saudi, Ipinagpaliban ng 3 Buwan

IPINAG-UTOS NI Sudi Arabia King Abdullah ang tatlong buwan pang pagpapaliban ng crackdown operations laban sa iligal na migrant workers doon para bigyang panahon ang mga itong ayusin ang kanilang mga dokumento.

Higit 200,000 dayuhan na ang napa-deport ng Saudi authorities sa nakalipas na mga buwan.

Ang nasabing crackdown operations ay bahagi ng labor market reforms na inilalatag ng Saudi government para maparami ang mga Saudi national na mapasama sa workforce partikular sa pribadong sektor.

Samantala, tanging 10-porsyento lamang ng workforce ng bansa ang Saudi nationals kung saan lumalabas na sa bawat 10 Saudis na nagtatrabaho, siyam dito ang nasa public sector.

Mayroong higit 9 mil-yong expatriates sa Saudi Arabia kung saan karamihan ay mula sa Yemen, India, Pakistan at Pilipinas.

Sa ilalim ng batas ng Saudi Arabia, kailangan silang i-sponsor ng kanilang Saudi employer. Ngunit dahil sa makailang paglipat ng trabaho, hindi kasamang naiaayos ang residency papers.

Ito ang nagtulak sa Labour Ministry na maglagay ng quota sa bilang mga expatriate sa isang kumpanya. Mahaharap sa multa ang mga kumpanyang may kaunting Saudi employees.

Samantala, ikinatuwa ng Blas F. Ople Policy Center, isang non-government organization (NGO) na tumutulong sa mga overseas Filipino worker (OFW) para sa mga kababayan natin ang naturang hakbang ng hari ng Saudi Arabia.

Unang isinawalat ni Ople ang problemang ito at ang posibleng gawin ng gobyerno ukol dito.

Nagtatampo na aniya sa gobyerno ang mga OFW sa Saudi at mga pamilya nito na tila hindi napagtutuunan ng pansin ang isyung ito.

Sa ngayon, higit 100,000 Pilipino aniya sa Saudi ang apektado ng crackdown na ito kung hindi tuluyang maaksyunan ng gobyerno.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.