Coverage ng Int’l Media, Makatutulong sa Turismo – DOT

POSITIBO ANG Department of Tourism (DOT) na makatutulong at may makukuhang benepisyo ang Pilipinas sa pagtutok ng international media sa pinsalang idinulot ng super typhoon Yolanda.

Ayon kay DOT Asec. Benito Bengzon Jr., sa pamamagitan ng international media, hindi lamang mga tulong na relief goods at medical supplies ang matatanggap ng bansa.

Aniya, may ilang sulat na silang natanggap na nagpapahayag ng ka-handaan sa pagtulong sa recovery program sa sektor ng turismo.

“Marami pong nakakita ng ating sitwasyon at dahil dito, marami na pong nagparating ng simpatya at saka mas mahalaga, ‘yung suporta. Nagpadala na po ng sulat ang United Nations World Tourism Organization (UNWTO), ‘yung Pacific Asia Travel Association (PATA) at lahat po sila nagsabi na sila’y handang tumulong sa ating recovery program.”

Aminado ang opisyal na may ilang turista na ang nagkansela ng biyahe sa bansa dahil sa paghagupit ng naturang kalamidad.

Sa kasalukuyan, wala pa silang tinatayang halaga ng epekto ng kalamidad sa turismo dahil prayoridad nila ang pagtulong sa mga biktima ng bagyo, partikular sa Visayas.

Iinihayag pa ni Bengzon na nasa assessment pa lamang sila.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.