Coverage kay Cory Aquino, sinusuwapang ng Dos?! by Cristy Fermin

MARAMING NAGKOKOMENTO NA sinusuwapang (ito ang terminong ginagamit ng mga pumupuna) ng ABS-CBN ang pagko-cover sa mga kaganapan sa pagyao ng unang babaeng pangulo ng Pilipinas.
Totoong malaking bentahe ng istasyon ang pagkakaroon ng anak ni dating Pangulong Corazon Aquino sa kanilang kuwadra. Napakabilis nilang makakuha ng mga detalye dahil kay Kris Aquino. Pero ang katuwiran ng marami, hindi lang naman naging pangulo ng Dos si Tita Cory kundi dating pangulo ng bansang Pilipinas.
Maihahanap ng katuwiran kung bakit mula sa pagsikat hanggang sa paglubog ng araw, nakatutok ang ABS-CBN sa lahat halos ng detalye tungkol sa pagpanaw ng dating Pangulong Cory.
Kung matatandaan, taong 1986 nang maluklok na siyang pangulo ng Pilipinas ay saka lang naibalik sa mga Lopez ang kanilang mga ari-arian at establisimyentong kinamkam ng rehimeng Marcos.
Napakalaki ng utang na loob ng mga may-ari ng ABS-CBN kay Tita Cory. Nahawakan nilang muli ang Meralco, ang kanilang pahayagan, lalung-lalo na ang kanilang istasyon.
‘Yun ang ugat ng kuwentong kalat na kalat sa loob at labas ng ABS-CBN na malalanos ang lahat ng mga artista ng ABS-CBN, malalaki at maliliit, pero si Kris Aquino, mananatiling namamayagpag sa istasyon bilang pagtanaw ng utang na loob ng network sa kanyang pamilya.
Kulang na kulang pa ang beinte kuwatro oras sa maghapon para bigyan ng pagpapahalaga ng ABS-CBN si Tita Cory. Kung puwedeng magdagdag pa ng oras ay gagawin ng network, para maiparamdam lang nila sa yumaong dating lider kung gaano kamarkado sa kanila ang ginawa ni Tita Cory na muling maangkin ang mga pinaghirapan nilang ari-arian na inagaw nang walang kalaban-laban ng sinundan niyang lider sa loob nang 20 taon.

PERO MAY KATUWIRAN din ang ibang network. Isang dating lider ng bansa ang namayapa, malaking pampublikong pigura si Tita Cory na hindi maaaring angkinin ng isang istasyon lang.
Kahit anong network, maaaring mag-cover ng mga kaganapan sa kanyang burol, hindi sila dapat pagdamutan ng network na sinasabing pinakamalapit sa puso ng pamilya. Dahil si Tita Cory ay naging dating pangulo ng bansa at hindi ng ABS-CBN lang.
Pero magagaling ang mga utak na nagpapatakbo sa departamento ng News And Current Affairs ng GMA-7. Hindi sila nagpapahuli sa balita. Kung ano ang naipalalabas sa ABS-CBN, ganu’n din ang puwersa ng mga balitang inilalabas ng Siyete.
Limitado ang kanilang ginagalawan kung tutuusin, hindi tulad ng Dos na halos nakahain na sa kanila ang produkto. Pero sa pagpapalipat-lipat namin ng panonood sa magkabilang istasyon, kapuri-puri ang ginagawang coverage ng GMA-7.
Sa isang Journalism class ay sinasabi, “Kundi mo kayang kunin ang ugat ng balita, lagi mong tatandaan na meron pang mga sanga, dahon at bulaklak na puwede mong tutukan at bigyan ng pagpapahalaga.”
Maraming humihiling na sana’y huwag nang lumutang pa ang network war sa pagkakataong ito. Laging isinisigaw noon ni dating Pangulong Cory Aquino ang pagkakaisa, ang pagkakasundo ng mga nagbabangayang puwersa. Nakakahiya namang isipin na sa mismong burol pa niya mararamdaman ng marami ang pag-alsa ng network war sa pagitan ng Dos at Siyete.

INILIPAT NA ANG mga labi ni dating Pangulong Cory Aquino sa Manila Cathedral kahapon ng tanghali. Du’n na magmumula ang grupo para sa paghahatid sa kanya sa huling hantungan.
Pinag-uusapan pa ngayon kung ano ang magiging ruta ng libing, hindi pa tiyak kung masusunod ang pagdaan ng funeral march sa monumento ni dating Senador Ninoy Aquino sa Makati, ‘yun daw ang hiling ng marami nilang tagasuporta bago tuluyang ilibing sa Manila Memorial Park sa Parañaque ang dating lider.

Cristy Per Minute
by Cristy Fermin

loading...

40 thoughts on “Coverage kay Cory Aquino, sinusuwapang ng Dos?! by Cristy Fermin

  1. hai naku cristy kaya ka natanggal sa the buzz dahil sa pangingialam mo pwede ba buhay mo naman ang pakialaman mo… kasi sumusobra ka na……………………

    wala ka talagang preno…. baka gusto mo ikaw ang gawan ng pilipino ng people power dahil sa kawalang preno mo……

  2. cristy napanood mo ba ang presscon ng mga aquino last saturday para sa funeral ni tita cory? hindi mo ba narinig ang sinabi ni deedee na ang abs cbn ang mag ko cover ng funeral… pamilya aquino mismo ang nag desisyon nun… at ikaw mismo nag sabi na napanood mo ang coverage ng dalawang channel. hindi mo ba na notice na ang ibang coverage ng gma at abs ay pareho yung kuha ng video yun ay dahil xmpre hindi pinagdadamot ng abs ang kanilang kuha… sana pumasok din sa isip mo (kung meron mn) na isipin mo din ang pinagsasabi mo…

  3. hay nakuh???!!!!!!!
    grabeh nmn ung terminong gnmit ng mga PUMUPUNA??!!!!
    sinuswapang????
    cguro nmn d ksalanan ng abs kung sa kanila nagpapainterview ng detalyado ang pamilya aquino lalo na c kris kc talent nmn tlgah nla cris!!!alangan nmng ibigay n kris ang interview sa gma ekapamilya xa!!!kaloka ha???!!!
    ska kung tlagang sinuswapang ng abs ang libing??bkit my naibibigay n news about dun ang 7????magicp nga kau!!on the first place,tlga lng n mas madiskarte ang abs d katulad ng iba jan!!!!!
    ska ung comment n eto
    grabeh!!!kung cnuman ang nagkakalat mg ganyang balita ay wWALANG UTANG NA LOOB!!nagiisip b xa???kundi dhil kay cory d kau magiging ckat katulad ng tinatamasa nyo ngaun dhil kung wala ang tulong n cory wala ang abs cbn..at cguro nmn naisip nyo n blang pasasalamat tumatanaw lng ang abs ng utang n loob sa aquino family at kya cguro kayo nagngangawa dhil mga wala kaung utang n luob.d nyo alam ang value ng pasasalamat.tandaan nyo n wala kau sa knalalagyan nyo kung wala ang abs at wala ang abs kung wala c tita cory

    ska isa pah pnapanuod ang mga show n kris aquino ndi dahil sa apelyido nya kung hindi dahil sa talento nya

  4. hay naku Cristy masakit tanggapin na ng leave si kris sa the buzz hindi ka manlang nila binalik sa ABS kahit sandali …. waaahh ouchy!!!!

  5. ay naku, talaga namang buraw ng abs ang coverage ni tita cory. ginagawa nilang teleserye and burol ni cory. kung anong kadramahan. dyow ko! kala mo sila ang may karapatan. pareho parin sensationalization. mali-mali pa ang data. kakasuka!

  6. iba ka talaga shrek cristy sikat na sikat ka rin ang daming pumapatol sa yo ksama nako, ang puna ko lang mas malakas sa ” abs cbn santos” si willie revillame keysa kay kris aquino at Pres. Cory. Si Kris mawawala sa dos pero si willie hindi, alam mo yan shrek kung bakit.
    Mr Lopez gumising ka panay kalokohan at abuso ang ginagawa niya ay okay lang sa yo. Si Willie Revillame ay maniak sa seks at kapangyarihan at pera.

  7. HAY NAKU CRISTY! IKAW LANG ANG MAY REKLAMO, AT SA BUNGANGA MONG BULOK LANG GALING ANG BALITANG ITO! SI LOLIT NGA NA TAGA SIYETE AY NATUTUWA NA NAKAKALIMUTAN DAW ANG NETWORK WAR DAHIL SA COVERAGE NG PAGKAMATAY NI PANGULONG CORY EH IKAW NA SINIPA SA DOS LANG ANG GUMAGAWA NG MASAMANG KWENTO! IKAW KASI ANG TAONG GUSTONG MAGSWAPANG NA DI NAMAN MAKAPAGSWAPANG KASI ISA KANG NOBODY! PWEH!

    • ano ka ba na man cristy! eto ka nanaman gumagawa ka nanaman ng away…may patay na eh! gumalang ka naman…alam namin may galit ka sa dos, eh! wag kang gumawa ng issue…kaya wala tuloy naniniwala sayo…hindi naman sarado ang lamay ni pangulong cory…nakabukas lahat ang pinto…at naka bukas ang lahat ng daan para sa lahat ng tao, pano ito sinusuwapang? nasa diskarte ng isang reporter kung pano kumuha ng balita. bakit ikaw, dumalaw ka na ba?

  8. Eh hindi po ba talaga namang binigyan po ng pamilya Aquino ang ABS-CBN na sila po ang mag-co-cover ng lahat? Hindi naman po sila nagsu-swapang, sumusunod lang po sila.

    Tita Cory mahal po namin kayo at Maraming-maraming Salamat po sa lahat!

  9. hahaha! kung nasa the buzz oa kaya to, magsusulat kaya to ng gnito??? epal ka cristy ! dapat kau ni swarding na lang ang nauna eh!

  10. wahhhh
    bkit sabi s pep ntigil pasumandali
    ang network war bcoz of tita cory…nagkaroon cla ng
    understanding walang sapawan
    bkit may balitang gnito ngayon?

  11. Ampalayang ampalaya ang dating mo shrek whahahaha. Ikaw ang talo at osla na.. Magtinda ka na lang ng kangkong sa palengke para may saysay ang buhay mo hindi yung naninira ka ng ibang tao… Bulok at kumita na ang style mo ng pagbabalita..

  12. Ayan na naman! Tumira na naman ang ubod nang BITTER na cristy fermin. Napapaghalata ang desperation ng babaeng ito.

    Kahit ano pang gawin mong puri sa GMA 7, hinding-hindi ka nila kukunin. Karma yan sa kasamaan ng ugali mo.

    At kahit ano pang puri ang gawin mo sa ABS-CBN, hinding-hindi ka makakabalik dahil hindi ka pa rin napapatawad ni Kris aQUINO.

    sI Kris ang may alas…
    si kris ang masusunod…
    hangga’t di siya nag-u-oo, di ka makakabalik!

  13. Natawa ako kahapon kasi habang kausap ni kris sa celphone ang anchor ng abs-cbn, parang si ted failon ata yon eh, talagang nagkukwento siya, kinukunan naman ng video camera ng gma 7 kaya mas maganda lumabas sa gma dahil kitang kita si kris habang nasa loob ng van sa ayala, samantalang phone patch lang siya sa abs. Naisahan sila ng gma.

  14. i don’t think may suwapangan na nangyari sa coverage… pareho naman maganda ang coverage although mas na-appreciate ko ang ginawa ng GMA kahapon sa live streaming tas may live update pa at interactive sa facebook.

  15. maganda ang coverage ng dalawang istasyon ang pinag kaiba lang mula nung saturday nauna si boy mag ka full length interview kay kris at understood yun even the ch7 alam nila na mangyayari yun. d ako maka ch2 mas gusto ko ang ch7 sa news and current affairs nila. but in fairness sa two networks in my observation hindi swapang ang dos at walang network war. itong si cristy bakulaw lang ang war freak.

  16. epal ka cristy kala mo matutuwa ang siyete sa artikulo mo, baliw kang pangit ka. alam ng siyete na makaka una ang dos sa kanila dahil kay kris. pero in fairness sa dos hindi nila sinaswapang and coverage after abunda nag interview din si j.soho kay kris, wala ka bang tv? natural lang mauuna si boy kasi kasamahan nya sa the buzz c kris alangan naman syo mag pa interview eh d binaboy mo na naman.

  17. bitter shrek! kala mo cguro mabibilog mo pa ulo ng mga tao sa mga balagtasan style writting mo, d na uubra yan noh sore looser ka talaga! Obvious na tinitira mo ang Dos dahil pinalayas ka na! wish mo lang pabalikin ka pa, ABS doesn’t need a trash like you.

  18. “Napakalaki ng utang na loob ng mga may-ari ng ABS-CBN kay Tita Cory. Nahawakan nilang muli ang Meralco, ang kanilang pahayagan, lalung-lalo na ang kanilang istasyon.
    ‘Yun ang ugat ng kuwentong kalat na kalat sa loob at labas ng ABS-CBN na malalanos ang lahat ng mga artista ng ABS-CBN, malalaki at maliliit, pero si Kris Aquino, mananatiling namamayagpag sa istasyon bilang pagtanaw ng utang na loob ng network sa kanyang pamilya”

    – Souregrape eh??? inggit ka lang at c Kris balik sa d’Buzz at ikaw eh itsapwera nlng, buti nga sayo! mind u, Kris is a well trusted endorser and actress because she earned and deserved it, hindi nabibili yan! at yun ang wala ka! credebilidad! wala olats ka talaga!

  19. hoy cristinelli san mo naman nakuha yang report mo na maraming nagkokomento na sinuwapang ng abs ang libing ni tita cory??? sa mahiwaga mong utak hangin hehehe. Ikaw ay isang mapaggawa ng kwento na wala namang basehan. Wag ka nga magimbento ng kwento. Sinungaling ka talaga

  20. Walang naniniwala sa mga nirereport mo kasi ikaw ay napakalaking sinungaling. Sirang sira na ang kredibilidad mo bilang reporter at host… Isa pa magaling kang manira ng tao lalo’t kaaway mo o kaya hindi mo gusto. Alam na ng mga tao ang style mo kaya wala ng naniniwala sayo. Gusto mo lang siraan ang ABS kasi pinatalsik ka nila kaya ang style mo nagpapalapad ng papel sa GMA7 para nga naman kunin ka nila. Bulok na bulok ang style mo. Buti kung i hire ka ng GMA e alam na rin nila style mo. Ikaw din ang may kagagawan kung bakit wala ng gustong maniwala sayo no.

  21. Hoy Christy!!! Buhay ka pa pala? pag namatay ka daw Exclusive coverage ng OTB ang libing mo bet? wahahahaha

  22. dyusko pinagpapaniwalaan pa ba tong basura na ‘to!
    Nung nasa dos pa sya kung ano-anong paninira nya sa siyete…ngayon nasipa sya sa dos nagpapabango sa iba?
    WALA KANG KREDIBILIDAD!
    Dapat dito unahing ilibing kesa kay Pres. Aquino, ilibing na parang ebak!

  23. ay nako CRISTY…nagpapabango ka ba sa GMA7 para kunin ka nilang talent….. EH KAHIT SIMPLENG REPORTER DYAN SA GMA HINDI KA NILA KUKUNIN….HMMMPPPP!!!!

  24. hay naku! GET LOST CRISTY! no time for this…

    IKAW ANG NAGSASABI NG MGA SINUSULAT MO AT HINDI ANG TAONG BAYAN….

  25. HAY nako…
    This OGRE making a fire out of water…
    Kala mo mukhang malinis lang ang intensyon…palibhasa sinipa sa ABS!
    PWE!

  26. AY BKT GANON..BKT MAY INTRIGA GANON….WAG NMN PO SNA NTN GAWAN NG INTRIGA… GALIT KA PO BA SA ABS KYA KUNG ANO ANU CNASABI U….. BITTER NA BITTER ANG DATING…. TMA KA CRISTY BITTER IBA NEWS NAMATAY NA C PRES. CORY PERO BINIBIGYAN PA DN NG IBA KULAY AT GINAGAWAAN PA NG INTRIGA…

  27. oo nga! me galit ka lng tlga ke tetay cristy. lipat ka na lng kya ng channel 7 tutal mukang sinasamba mo sila duon eh!

  28. Naku naman Tita Cristy, mukha ka namang bitter yata. Ibinalita nga mismo ng taga gma na si Lolit Solis na naibsan ang network war dahil naghihiraman ng camera ang abs at gma eh ikaw naman pinag sasabong mo sila sa column mo. Bitter na bitter tuloy dating mo sakin. For the sake of Tita Cory man lang sana prumeno at tumahimik ka. Kahit sana man lang hanggang mailibing si Tita Cory. Alam namin galit ka sa news and current affairs ng abs tita cristy ha…naku naman!naman!naman!

Leave a Reply

Your email address will not be published.