Councilor Shalani Soledad, na-etsa-puwera?!

OLA CHIKKA! NOONG Miyerkules ay pormal na ngang naiproklama bilang President-elect si Senator Benigno Aquino III at Vice President-elect si Jejomar Binay. Bumuhos ang tao sa loob at labas ng Kongreso. Maging ang iba ay nakatutok din sa telebisyon upang masubaybayan at mapagbunyi ang naganap na proklamasyon.

Kitang-kita ang kasiyahan sa mukha ng pamilyang Binay, lalung lalo na ang pamilyang Aquino. At talagang itong si Kris Aquino ay taas-noo nang iproklama ang kanyang kapatid. Kahit ako naman siguro ay mararamdaman ang ganu’ng kasiyahan at confidence. Ikaw ba naman ang maging First Sister, eh!

At dahil matalas ang mata ng inyong Tita Swarding, hindi nakaligtas sa aking obserbasyon ang eksena sa nobya ng ating President-elect. Mukhang wala masyado sa eksena ang girlfriend niyang si Councilor Shalani Soledad.

Ayon sa aking parazzi girl, ito ay kagustuhan din ni Shalani na ‘wag masyadong umeksena kaya roon siya naupo sa itaas kasama ng ibang mga artistang sumuporta kay Sen. Noynoy. Buti pa itong binansagang ‘First Adopted Brother na si Boy Abunda ay kahilera ng mga Aquino sisters.

Ang sa akin lang, sana ay binigyan nila ng mas maraming importansiya si Councilor Shalani dahil hindi naman siya basta-bastang nobya lang, Councilor siya ng Valenzuela at hindi pa man siya asawa ng President-elect ay na ipinakilala na siya sa buong Pilipinas. Kaya nararapat lamang na kahit papaano ay pinahalagahan ang pagpunta niya roon, lalo na at may sakit siya ng panahong iyon at naka- schedule na pumunta ng ospital.

Gayunpaman, saludo pa rin ako sa iyo, Councilor Shalani at congratulations sa ating susunod na Pangulo at Pangalawang Pangulo!

MARAMI ANG NATUWA nang makita ang susunod na episode ng Sharon kung saan ay guest itong mag-amang sina Gabby at KC Concepcion. Mukhang happy family ang drama nila. Ngunit mukhang hindi lahat ng manonood ay happy na makita silang magkakasama.

Hindi sa relasyon ang ikinaaasar ng manonood. Kung tutuusin, ikinatutuwa ko ring makita silang magkakasama at maging ang ningning sa mga mata ng kanilang anak na si KC. Ngunit ang hindi kanais-nais ay ang pisikal na hitsura nitong si Sharon.

Hanggang ngayon, hindi pa rin ako natutuwa rito sa aura ni Sharon. Paano ba naman ay mukha ng siyang Tita nitong si Gabby dahil sa laki ng kanyang katawan. Hindi na nakakikilig ang pagsasama nila, hindi tulad noon. Maging itong si KC ay humahabol na rin sa katawan ng kanyang ina.

Hindi kaya mukha lamang ang namana ni KC sa ama at ang kanyang katawan at show ratings ay nakuha sa ina?! Napanood ko kahapon ang morning show nitong si KC at tulad ng show ng kanyang ina, hindi ako na-entertain. Hindi nakakatuwa ang show at mukhang walang relevance. Hindi makamasa at masyadong mataas ang aura. Sa tingin n’yo?!

O, baka sabihin na naman ng mga fans na sinisiraan ko sila! Marami na naman ang magre-react na pinipintasan ko sila. Excuse me pow! Concern lang ako dahil kumare at kumpare ko sila, alam ni Gabby ‘yan! Ha-ha!

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Sino itong actress na mukhang papalit na sa trono ni Madam Auring dahil halos lahat ay retokada na rin?! Korek!

Kung noon ay napakaganda niya para sa edad niya, daig pa niya ang ibang young stars sa ganda niya, ngunit ngayong pagbabalik niya sa showbiz ay kumupas na ang ganda at halos dila na lang yata ang kulang para buong katawan ay retokada na! Ha-ha!

Sino itong actress na tinaguriang Madam Auring the second?! Manood kayo ng TV at rarampa na siya! ‘Yun na!

AT HUWAG N’YO pong kalimutan ang aking OLA CHIKKA PRODUCTIONS para sa advertisement, guesting, exposure, shows at everything regarding entertainment. For inquiries just call us at 417 6181 at 0927 428 4216. Nais ko lamang pong linawin na hindi ko po personal numbers ang mga iyan. Lahat ng iyan ay office numbers kaya para sa mga updates sa akin at comments, maaari po kayong mag-send sa akin ng e-mail sa [email protected]. Maraming salamat po and God bless us all!

Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding

Previous articleAi-Ai delas Alas, nakikiapid sa may-asawang doktor?!
Next articleJericho Rosales, aminadong masaya kay Cesca Litton

No posts to display