Cotabato Vice Mayor, Sugatan sa Pananambang

LIGTAS NA sa tiyak na kamatayan si Cotabato Vice Mayor Datu Muslimin Sema na nagtamo ng sugat matapos na tambangan kahapon sa sa Cotabato City.

Ayon kay Cotabato City police director S/Supt. Danny Reyes, alas-11 ng umaga nang pagbabarilin ang bise-alkade na tinamaan sa leeg at pisngi.

Kagagaling lamang ni Sema sa pagdalo sa sesyon ng sangguniang pang-lungsod at pauwi na sana ng bahay nang tambangan ng dalawang mga suspek.

Isa namang suspek na nakilalang si Jermin Abdullah ang nahuli na sugatan din at nakasuot pa ng bullet proof vest.

Nakuha sa kanyang pag-iingat ang naka-silencer na M16 armalite rifle.

Ang isa pa nitong kasamahan ay napatay naman.

Sinasabing kahit may tama na, nagawa pang makipagbarilan ni Sema sa mga suspek at ang kanyang mga security escort.

Si Sema ay dati na ring naging mayor at chairman ng Moro National Liberation front (MNLF).

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.