Cotabato City, Niyanig ng Pagsabog

NIYANIG NG MALAKAS na pagsabog ang Rizal Plaza sa Cotabato City kamakailan.

Ayon sa ulat ng Cotabato City police, isang 60 mm mortar ang ginamit sa insidente.

Nabatid na inilagay ito sa comfort room, habang nasa kasagsagan ng ginagawang battle of the band competition.

Wala namang nasawi o nasugatan sa pangyayari, ngunit naghatid ito ng matinding takot sa mga nanonood ng programa at namamasyal sa parke.

Agad namang ginalugad ng mga kinauukulan ang lugar ng pagpapasabog, subalit wala na silang nakuhang iba pang bomba.

Gayunman, patuloy pa rin sa ginagawang pagsisiyasat  ang mga awtoridad upang makakuha ng ibang detalye sa naganap na insidente.

Sa ngayon ay nag-activate na ng pwersa ang mga pulis at sundalo para mahuli ang responsible sa pagpapasabog. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.