Cotabato City Jailbreak: 16 NA PRESO, PUMUGA

AABOT sa labing-anim na preso ang pumuga sa Cotabato City Jail huwebes ng madaling-araw.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, kinilala ni Cotabato City Police Director Supt Willie Dangane, ang mga pumugang bilanggo na sina Mandi Kasubidan, Malik Ariman, at Nondo Mokamad, pawang may kasong murder; Joko Usop, frustrated murder; mga nahaharap sa kasong robbery na sina Darwin Hervias at Mamalo Budsal; Allan Talisaysay at Akmad Tahir, mga nahaharap sa kasong illegal drugs; Ranier Kamarudin, Akmad Makmod, Jabide Mampin, Benedict de los Reyes, Fermin Sabordo, Ibrahim Adam at Suharto Abdulla, may mga kasong theft; at Badrudin Kamensa, estafa.

Ayon kay Dangane, ala-1:00 ng madaling-araw nang tumakas ang naturang mga preso sa kanilang detention sa BJMP sa lungsod ng Cotabato.

Alas- 6:00 ng umaga ng madiskubre ang pagtakas ng naturang mga preso matapos na magsagawa ng headcount ang mga jailguards sa nasabing piitan.

Lumilitaw sa imbestigasyon na nagawang pumuga ng naturang mga preso sa pamamagitan ng paglagare sa rehas na bakal ng selda sa likurang bahagi ng piitan.

Nasakote naman sa follow-up operations bandang alas- 12:25 ng tanghali sa operasyon sa Sitio Tokanes, Brgy. Poblacion, Cotabato City ang isa sa mga pugante na si Hervias na nagpanggap pang si Darwin Israel.

Nagpapatuloy naman ang follow-up operations sa iba pang mga tumakas na bilanggo.                (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.