Cory movie, ipapaalam pa ni Vilma Santos sa taga-Batangas

OLACHIKKA………..BUONG-BUO na nga ang suporta ni Kris Aquino sa kanyang kapatid na senator na si Noynoy Aquino. Sa kabila ng ilang mga bumabatikos ay lantarang ibinunyag ni Kris kung ano ang kanyang saloobin at binawi na nga ni Kris ang kanyang naunang pahayag na hindi niya gustong mag-asawa ang kanyang kapatid na senator. Bagkus, 100 percent na gusto niya itong magkaroon ng pamilya. Kaya ayaw ng TV host na mag-asawa si Noynoy ay sa kadahilanang mahal na mahal ito ng kanyang anak na si Joshua. Yayo nga raw ni Joshua si Noynoy at ito nga ang humalili sa pagmamahal na ibinigay ng dating pangulong Cory kay Josh.

Ngayon na nagdeklara na ng kanyang pagtakbo sa mataas na posisyon si Noynoy, binawi na ni kristeta ang naunang pahayag. Sinabi rin niya na kung kailangang talagang may First Lady ay siya ang gagatos sa lahat ng kailangan sa kasal. At least, may yayo na si Joshua, may yaya pa. Ha! Ha! Ha! Kalerke, ha! Sa ngayon, lahat ng isinusuot ni Noynoy at kahit ang pagpapagupit ay si Kris ang lahat ng gumagawa. Kalerke, ha! Dahil lahat na nga ng tungkulin ni tita Cory ay si Kris ang nag-aasikaso at gumagawa. One hundred percent ang buong suporta ng buong pamilya. Hindi kaya mapapabayaan ni Kris ang kanyang pamilya? Ang tsika, gagamitan ng wig ang buhok ni Noynoy. Kalerke, ha!

NGUNIT SA KABILA ng lahat ng ito ay may mga tsika pa rin na naglabasan. Naloka nga ako dahil ayon sa nakarating sa akin, si Kris nga raw ang magpapabagsak sa pagtakbo ni Noynoy. Ganu’n? Naloka ako kaya ang tanong ko ay bakit?

Speaking of Tita Cory, tinanggap na nga ni Star for All Seasons Vilma Santos ang hamon na gaganap siya sa papel na Cory Aquino. Matagal daw na pinag-isipan ito ng actress. Ang nakakalerke ay magpapaalam daw muna siya sa mga taga-Batangas. Ano raw? Ang tanong, bakit kailangan pa niyang magpaalam sa mga kabalwarte niya? Kung ayaw ba ng mga taga-Batangas ay hindi rin ba tatanggapin ni Vilma ang proyekto? Kaloka, ha! At ang isa pa sa nakakaloka ay kung si Piolo Pascual daw ang gaganap na Ninoy, para raw mag-ina ang dalawa. Ha! Ha! Ha ! In fairness, Piolo Pascual ‘yan, ‘di ba? ‘Yun na!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

4 thoughts on “Cory movie, ipapaalam pa ni Vilma Santos sa taga-Batangas

  1. ang engot naman netong swarding (at yung mga nag iisip na gagawing mag asawa si vilma at piolo kung matutuloy yung film)

    paganahin nyo nga utak nyo. kelan ba buhay si ninoy? ilang taon sya nun? di ba mga edad ni Piolo or a few years older? o edi dun papasok si piolo plus a young cory na hindi nman sikat nung mga panahong yun. then ifoforward na sa kung kelan sumikat na at naging pres si cory e di si vilma na. patay na si ninoy nun so eternally young na yung pics nya.

    konting logic swarding.

  2. hay naku! sawang sawa na ako sa mga cory balita. wala nang katapusan. ang abs araw-arawin yan kasi may ginagawa silang pelikula. itigiiiiiil naaaaa!!!! basta hwag iboto si mama’s boy noynoy.

  3. ito naman si kris di pa pabayaan ang kapatid niya. Pakialaman na lang niya ang sarili niyang pamilya at mga anak niya. Matanda na si Noynoy at may sariling disposisyon at hindi na niya kailangan diktahan kung sino ang dapat pakisamahan o kung ano ang kanyang dapat gawin ng kanyang kapatid. MATALINO NGA SIYA, PAKIALAMERA NAMAN.

Leave a Reply

Your email address will not be published.