CORRUPTION, TULOY PA RIN SA CUSTOMS

PINANINIWALAAN NG ILANG Customs insiders sa Port of Manila na pampapogi o hindi nagkaintindihan sa “under the table transaction” sa pagitan ng ilang Customs officials at impor-ters kung kaya’t tinuluyang hulihin ang twenty (20) containers ng wheat flour, dalawang Isuzu trucks, dalawang container ng mackerel at isang container ng amplifiers na umaabot sa P50 milyon.

Bukod sa nabanggit na alegasyon, may hinala ang sinasabing customs insiders na “recylcle” ang mga nasakoteng kargamento sapagkat ayon sa impormasyon, dumating ito noong buwan pa ng Agosto at hinayaan munang mabulok o amagin kaysa pakinabangan ng taong bayan.

Sa kabila na bagsak ang koleksiyon ng BOC sa taong ito, nakukuha pa ng mga ito na magsayang ng  pagkakaperahan sa halip na kausapin ang importer na magbayad ng tamang buwis kasama ang penalty  kaysa masayang.

Nabatid na ang dalawang right hand ten-wheeler truck ay nakapangalan sa Choloejen International Tra-ding na umaabot sa walong milyon ang halaga.

Samantala, ang dalawang 40-footer container ng frozen mackerel na nagkakahalaga ng tatlong milyong piso na pag-aari ng John Nicole Agri and Aquatic Resources ay nahuli sapagkat walang maipakitang import permit na galing sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.

At ang isang 40-footer container ng amplifier na pag-aari ng Jr. Mancad Trading ay hindi nakalusot sa kamay ng mga taga CIIS dahil hindi idineklara ang tunay na laman ng container sapagkat linabag nito ang Tariff and Customs Code of the Philippines .

Kasama pa sa mga nakumpiska ay ang mga ceramics tiles na galing China na idineklarang wheat flour. Sa kapabayaan ng consignee, hindi na ito na-claim sa loob ng 30-day period.   (FROILAN MORALLOS)

Pinoy Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.