Corruption itinuturong dahilan!

WELGA NG IMPORTERSNAGBANTA ang mga “importer” na gumagamit sa Port of Manila na magsasagawa sila ng malawakan at matagalang “strike” kung hindi agad aayusin ni Bureau of Customs Commissioner Angelito Alvarez ang umano ay maniobra ng ilang kawani sa Interim Customs Accreditation Registration Office (ICARE).

Ang nasabing problema ay kaugnay diumano sa  mabagal na proseso at  kapabayaan ng ilang kawani ng ICARE sa kanilang mga accreditation permits at renewals sa nasabing tanggapan.

Ayon kay Zeny Dayanghirang pangulo ng Chamber of Customs Brokers Inc. disgustado umano ang kanilang mga kasamahan sa 13 punitive requirements na hinihingi ng mga tauhan ni Rhea Gregorio, hepe ng nasabing opisina.

Idinagdag pa ni Dayanghirang na ang “modus operandi” ng mga tauhan ni Gregorio ay hinahayaan lamang ng mga ito ang bawat Customs Broker kahit alam na nila na may mga kulang ang dokumento, at pagkaraan ng mga dalawang linggo ay saka pa lamang nila ipapaalam sa mga ito na incomplete ang kanilang papers, dahilan kaya tumatagal ang proseso ng kanilang accreditation.

Sinabi ni Dayanghirang na ang 13 punitive requirements ay paraan ng mga tiwaling tauhan ni Gregorio upang  “maglagay” ang mga importer sa mga ito para hindi na mahirapan sa pagpapa-accredit o kaya ay para mapadali ang release ng kanilang mga permits.

May hinala rin umano si Dayanghirang na mga corrupt na pulitiko ang nagmamaniobra sa pagtatalaga ng mga empleyado sa ICARE  dahil walang takot ang mga ito kahit labag sa alituntunin ng BOC ang kanilang ginagawa.

Anila kapag hindi binigyang pansin ni Commissioner Angelito Alvarez itong mga taga ICARE ay maliwanag umano na sila ang sisira sa collection ng Bureau sapagkat may posibilidad na tumigil ang ilan sa mga importer sa pagpaparating ng kalakal sa bansa  dahil sa panggigipit na ito ng taga ICARE.

Dahil dito, binigyan ng grupo ni Dayanghirang ng labing limang (15) araw ang opisina ng ICARE personnel to “shape up or shape out,“ kapag hindi nagbago ay mapipilitan umano sila na ituloy ang mahabang strike sa Port of Manila.

(FROILAN MORALLOS)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.