Coronas, ‘Di Sinipot Ang Tax Fraud Prelim Probe

HINDI DUMALO si da-ting Supreme Court Chief Justice Renato Corona sa isinagawang preliminary investigation ng Department of Justice, kaugnay sa kinakaharap nitong tax evasion charges.                                                                                                                                   Maliban sa dating pu-nong mahistrado, ‘di rin sumipot ang anak nito na si Ma. Carla Beatriz at manugang na si Cons-tantino.

Sa halip, hiniling ni Atty. Reinard Sanchez, abogado ng mga akusado sa DoJ na bigyan pa sila ng sapat na panahon para makapaghanda ng kani-lang counter-affidavit.

Bunsod nito, nagde-sisyon ang DoJ panel na bigyan ang mga Corona ng hanggang Oktubre 5 para makapag-sumite ng kanilang tugon.

Ang nasabing kaso ay isinampa ng BIR dahil sa sinasabing hindi pagkakatugma sa

idineklarang kita ng dating chief justice sa kaniyang income tax return at sa mga idineklarang mga pag-aari sa kanyang statement of assets, liabilities and networth o SALN.                                                                                                                               Samantala, una nang sinabi ng DoJ na kailangang personal na humarap sa preliminary investigation ang dating punong mahistrado.

Sinabi ni Justice Sec. Leila de Lima na sakali umanong mabigo ang respondent na magsumite ng kanyang counter-affidavit, ituturing umano itong “waiver” sa panig ni Corona, dahilan para maagang maresolba ang kaso base sa reklamo at ebidensiya.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.