Corona Trial, matatapos ngayong linggo

INAASAHAN UMANONG sa Huwebes ay isasalang na ng defense panel sa witness stand si Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Ayon kay defense lawyer Ramon Esguerra na mapapaaga pa sa kanilang inaasahan ang pagharap ng punong mahistrado sa impeachment court.

Dahil dito, inaasahan din umano ng mga abogado ni Corona na matatapos na ngayong linggo ang paglilitis.

Una rito, nag-isyu na ng subpoena si presiding judge Juan Ponce Enrile laban kina Ombudsman Conchita Carpio Morales, partylist Rep. Walden Bello, dating partylist Rep. Rissa Hontiveros, Emmanuel Tiu Santos at Kaya Natin! lead convenor Harvey Keh, bilang hostile witnesses ng defense panel.

Aminado rin si Atty. Esguerra na maliban sa isyu ng dollar accounts, tiyak umanong mauungkat din sa punong mahistrado ang iba pang ibinabatong alegasyon laban sa kanya.

“Hindi lamang siguro roon malilimitahan iyon. Dahil kapag siya ay tumayo sa witness stand, ipapaliwanag na niya iyan lahat, mula una hanggang huli,” pahayag ng abogado.

Kaugnay nito, pinaalalahanan ng House prosecution panel si Corona na limitado ang karapatan nito na igiit ang “right against self incrimination” sa oras na sumalang ito sa witness stand.

Sinabi ni prosecution panel spokesman Rep. Miro Quimbo, maituturing na umanong waiver sa panig ng punong mahistrado ang pangako ng kanyang mga abogado sa impeachment court na sasagutin nito ang lahat ng mga isyu laban sa kanya.

“That is a clear waiver on his part… He can invoke all his Constitutional rights, bahagi po iyan ng proseso, ngunit hindi po sa lahat ng pagkakataon, maari niyang ma-invoke iyan,” ayon kay Quimbo.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Corona Trial, matatapos ngayong linggo

Leave a Reply

Your email address will not be published.