Corona, tatakbo pa rin sa SC

INAMIN NG kampo ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona na bukas pa rin ang kanilang opsyon na tumakbo sa Supreme Court sakaling ipipilit ng Impeachment Court ang pagkalkal sa sinasabing dollar accounts ng punong mahistrado.

Sa isang pahayag, ipinaalala ni defense panel spokesman Atty. Rico Quicho na umiiral pa rin ang temporary restraining order ng Kataas-taasang Hukuman patungkol sa dollar accounts.

“So, kung sa pagkakataong ito ay hindi nila susundin ang temporary restraining order, matatawag po iyang contemptuous act sa Senate Impeachment Court,” ani Quicho.

Ginawa ng abogado ang pahayag sa kabila ng naunang pagtitiyak ng defense panel na haharap si Corona sa witness stand sa Martes para sagutin ang lahat ng mga paratang laban sa kaniya.

Kaugnay nito, muli ring hinimok ng spokesman ang mga senator-judges at ang publiko na huwag kaagad husgahan ang punong mahistrado hangga’t hindi pa naririnig ang panig nito.

Ang mga impormasyon na unang inilahad ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales ay hindi pa umano tinatanggap na ebidensiya ng korte, saad ni Quicho.

“Sapagkat ang mga dokumentong iprinisinta ni Ombudsman Morales, hindi pa naman po tinatanggap iyan na ebidensiya ng Senate Impeachment Court, iprinisinta pa lamang po iyan. Ngayon, kung tama iyan o mali, sana po hintayin muna nila iyong magiging testimoniya ni Chief Justice Corona,” dagdag pa ni Quicho.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM) 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.