Corona, Pinakakasuhan ng Tax Evasion ng DoJ

PINASASAMPAHAN NG kasong tax evasion ng Department of Justice (DoJ) si dating Chief Justice Renato Corona.

Nakitaan umano ito ng probable cause kasunod ng isinampang reklamong tax evasion na inihain ng BIR laban sa dating punong mahistrado.

Ang naturang kaso ay ihahain sa Court of Tax Appeals (CTA).

Nag-ugat ang nasabing reklamo ng BIR kung saan inakusahan nito ang da-ting punong mahistrado ng pagtatangka na umiwas sa pagbabayad ng tax liabilities na umano’y isang paglabag sa Section 254 ng National Internal Revenue Code of 1997.

Nabigo umano si Corona na magsumite ng returns at magdeklara ng tamang tax information para sa taong 2003, 2005, 2007, 2008 at 2010.

Sinabi pa ng BIR na hindi rin idineklara ni Corona sa kanyang statement of assets and liabilities (SALN) ang condominium unit sa The Columns sa Ayala Avenue na nabili niya sa halagang P3.6 milyon noong 2004 at ang property sa Fort Bonifacio na nagkakahalaga ng P9.16 milyon na nabili naman niya noong 2005.

Samantala, aabot u-mano sa P120.5 milyon ang utang sa buwis ni Corona sa loob ng siyam na taon sa public office.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.