Corona, patuloy na hina-harass ng Palasyo

BUMUWELTA SI dating Chief Justice Renato Corona sa Palasyo bilang tugon sa nakatakdang pagsasampa ng kaso ng Office of the Ombudsman hinggil sa umano’y mga nakaw na yaman.

Sinabi ng dating chief justice na ito’y patunay lamang na hindi pa rin kuntento ang Palasyo at ang mga kaalyado nito sa pagpapatalsik sa kanya sa pwesto sa halip ay ipinagpapatuloy lang ang harassment laban sa kanilang pamilya.

Aniya, hindi na rin nila inasahang magiging patas sa kanila ang Ombudsman.

Maaalala na isa si Ombudsman Conchita Carpio-Morales sa mga tumestigo noon sa Impeachment trial ni Corona.

Depensa ni Corona, anumang yaman ang mayroon sila ay bunga ng kanilang 45 taong tapat na pagtatrabaho.

“I have never been involved in any anomalous or illegal transaction in my life. This development, unfortunate as it is, is something we have been expecting all along,” dagdag pa ng dating punong mahistrado.

Nanindigan din si Corona na haharapin niya ang anumang kasong isasampa sa kanya.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.