Corona, muling pinasaringan si P-noy

HINDI NAPIGILAN ni Chief Justice Renato Corona na muling pasaringan ang Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa kanyang naging talumpati kahapon sa Lungsod ng Maynila.

Sa 15-minutong mensahe ng punong mahistrado sa Philippine Women’s Judges Convention, pinatutsadahan nito ang aniya’y taong nagnanais magkaroon ng “one-man rule” sa bansa.

Ang mga ganitong personalidad umano ay ang mga “transient leaders” na siyang nagpapawalang-halaga sa judicial independence na itinataguyod naman ng mga huwarang hukom.

“Judicial independence is being undermined by transient leaders in government,” ayon sa punong mahistrado.

Nanindigan din si Corona sa rule of law na siya umanong dapat manaig sa kabila ng pagkakaroon ng mga pinunong nagdidikta sa itinatadhana ng batas.

Samantala, umani naman ng positibong suporta mula sa hanay ng mga kababaihang hukom ang paninindigan ng punong mahistrado.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Corona, muling pinasaringan si P-noy

Leave a Reply

Your email address will not be published.