Corona, ihaharap na ng depensa

 

NAKAHANDANG HUMARAP at tumestigo sa kanyang sariling paglilitis si Chief Justice Renato Corona kung haharap din sa Senado si Ombudsman Conchita Carpio-Morales.

“We will present the Chief Justice… definitely,” ayon sa defense counsel ng punong mahistrado na si Atty. Jose Roy III.

Sinabi ito ni Roy sa naging pahayag ni Senate President at presiding officer Juan Ponce-Enrile na nakahandang tumestigo si Corona kung isa-subpoena ang nasabing Ombudsman at iba pa na nasa likod ng pagsasampa ng kaso laban sa punong mahistrado na may kinalaman sa $10 milyon deposito.

Bukod sa Ombudsman, nais din ng depensa ang pagharap nina Congressman Walden Bello, dating Akbayan Party-List Representative Risa Hontiveros at iba pang nagsampa ng kaso laban sa punong mahistrado.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.