Corona, Guilty!

 

GUILTY ANG naging hatol ng Impeachment Court laban kay Chief Justice Renato Corona, matapos bumoto kahapon ang 20 senador, kabilang si Senate President Juan Ponce-Enrile, pabor sa impeachment complaint kaugnay ng Article II o hindi pagsasapubliko ng punong mahistrado ng kanyang statement of assets, liabilities at net worth (SALN).

Tatlo lang sa mga senador ang bumoto para mapawalang-sala si Corona, at sila ay sina Senators Joker Arroyo, Miriam Defensor-Santiago at Ferdinand “Bong-Bong” Marcos, Jr.

Bukod kay Enrile, ang 19 na senador na nag-convict kay Corona ay sina Senators Edgardo Angara, Alan Peter Cayetano, Pia Cayetano, Franklin Drilon, Jose “Jinggoy” Estrada, Francis “Chiz” Escudero, Teofisto Guingona III, Gregorio Honasan II, Panfilo Lacson, Manuel Lapid, Loren Legarda, Sergio Osmeña III, Francis “Kiko” Pa-ngilinan, Aquilino “Koko” Pimentel III, Ralph Recto, Ramon “Bong” Revilla Jr., Vicente “Tito” Sotto III, Antonio Trillanes IV, Manuel Villar.

Kaugnay nito, kinakai-langan nang bumaba ni Corona bilang punong mahistrado ng Korte Sumprema, at hindi na maaa-ring humawak ng kahit na anong posisyon sa gobyerno, matapos na ma-convict sa kaso ng ‘betrayal of public trust’ at violation of the constitution.

Labing-anim lang o 2/3 na boto lang ng miyembro ng Senado ang kinakai-langan upang ma-convict si Corona, samantalang 8 boto ng aquittal para mapawalang-sala ang punong-mahistrado.

Disyembre 12, 2011 nang isampa sa Senado ang Articles of Impeachment matapos na pumirma ang 188 mambabatas mula Kamara pabor sa impeachment ni Corona.

Tumakbo ng 44 na araw sa loob ng mahigit apat na buwan ang Impeachment Trial na nagsimula noong Enero 16, 2012 at nagtapos kahapon, Mayo 29, 2012.  (Parazzi Reportorial Team)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.