Corona, ‘di na kailangan sa Impeachment Court

HINDI NA umano obligado si Supreme Court Chief Justice Renato Corona na personal pang dumalo sa gagawing oral argument ngayon hinggil sa kinakaharap nitong impeachment case.

Sa isang panayam, sinabi ni defense lead counsel Serafin Cuevas na posibleng sa pagamutan na lamang magmo-monitor ang chief justice habang tinatalakay ng prosecution at defense team ang kanilang mga argumento.

Ngayong araw ay inaasahang ilalatag ng magkabilang panig ang kani-kanilang final arguments sa impeachment case.

Matatandaan na noong Biyernes, pinilit ng punong mahistrado na humarap sa witness stand, taliwas sa rekomendasyon ng kanyang mga doktor sa The Medical City.

“Ang akin pong assessment ng entire situation is, ayaw na po ng kanyang mga anak at ni Mrs. Corona na makaharap pa siya roon. Sapagka’t kung hindi magiging mabuti ang desisyon, baka roon pa mag-collapse,” pahayag ni Cuevas. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Corona, ‘di na kailangan sa Impeachment Court

  1. Pingback: Corona, ‘di na kailangan sa Impeachment Court - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.