Corona, ‘di magre-resign – depensa

WALA UMANONG plano si Chief Justice Renato Corona na magbitiw sa puwesto sa kabila ng paglabas ng detalye ng dollar accounts nito na ikinagulat ng marami.

Sinabi ni Atty. Karen Jimeno, isa sa tagapagsalita ng defense team, nakikita umano nilang tatapusin ng chief justice hanggang sa huli ang impeachment trial.

Sa dami na umano ng mga lumutang na isyu sa punong mahistrado sa trial ay walang dahilan para ngayon pa ito umatras sa laban.

Binigyang-diin ni Atty. Rico Quicho na hindi damaging ang testimonya ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales kaugnay ng dollar accounts bagkus ay nakatayo pa rin ang kanilang depensa.

Nakikiusap rin si Atty. Tranquil Salvador III sa lahat na huwag tanggapin basta ang testimonya ng nasabing Ombudsman dahil wala pang nailalabas na anumang dokumento na magpapatunay sa detalye nito.

Mas mabuting hintayin umano ang pagharap ng punong mahistrado para personal na makapagpaliwanag ito ng kanyang panig.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.