Corona, ‘di kailangan sa witness stand

MULING NANINDIGAN ang defense team na hindi nila pahaharapin sa witness stand si Supreme Court Chief Justice Renato Corona sa pagpapatuloy ng impeachment trial sa araw ng Lunes, Mayo 7.

Sinabi ni defense lawyer Jose Roy III na wala nang saysay para paharapin pa ang punong mahistrado sa mga senator-judges dahil wala naman sa 188 na kongresista na pumirma sa impeachment complaint ang tumayo sa witness stand.

Ayon naman sa panig ni Atty. Tranquil Salvador III, aabot sa 16 na testigo ang kanilang ihaharap kabilang na si Justice Secretary Leila de Lima.

Umaasa rin ang depensa na tetestigo ang nasabing kalihim dahil naipadala na ang subpoena para rito.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.