Corona at 2 kapamilya, kinasuhan ng tax evasion

 

SINAMPAHAN NG Bureau of Internal Revenue (BIR) si dating Chief Justice Renato Corona, anak niyang si Ma. Carla Beatriz Castillo, at son-in-law na si Constantino Castillo III ng P150.68 mil-yong halaga ng tax evasion.

Inihain ng BIR ang natu-rang kaso matapos mapatunayan ang umano’y paglabag ng mga ito sa National Internal Revenue Code mula 2003 hanggang 2005, 2007, 2008 at 2010.

Ayon kay BIR commissioner Kim Jacinto-Henares, base sa kanilang isinagawang pagsisiyasat ay lumalabas na hindi isinama ng mga Corona ang dalawang real property: ang condominium unit sa The Columns na nabili sa halagang P3.6 milyon noong 2004 at isa pang real property sa Fort Bonifacio na nabili niya sa halagang P9.16 milyon noong taong 2005.

May kahina-hinala rin umanong pagkakaiba sa acquisition cost ng mga ari-ariang idineklara ng dating

chief justice sa kanyang statement of assets, liabilities and net worth (SALN) sa mga certicate authorizing registrations nito.

Bukod dito, idineklara umano ng dating punong mahistrado na ang net worth niya ay P26.45 milyon ngunit ang totoo ay P161.15 milyon.

Kasama na rin dito ang ilang dollar accounts ng mga Corona.

Kumpiyansa naman si Henares na may malakas silang ebidensiya laban sa Pamilya Corona. Samantala, maaaring gamitin ng BIR sa pagsusulong ng isinampang kaso ang mga dokumentong nakalap ng Impeachment Court noong panahon ng paglilitis sa dating chief justice.

Ayon kina Senate Majority Leader Tito Sotto at Sen. Chiz Escudero, public documents na ang nasabing mga dokumento kaya’t maaaring mag-request ang

BIR ng kopya nito.                                                              Inaasahan na nila ang hakbang na ito ng ahensiya dahil noong impeachment trial ay sinabi na ni Henares sa kanyang testimonya na isusulong nila ang posibleng tax evasion case laban kay Corona at anak nito, giit ni Escudero.(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.