Copnappers!

0919-591xxxx – Idol Raffy, ireklamo ko po sana ang mga pulis-Angeles, Pampanga. Kinidnap po nila kami ng anak ko at hinihingan ng P400,000. ‘Pag ‘di raw po kami nakapagbigay, kakasuhan daw po kami ng drug pushing. Pati po anak ko na 4 months old ikinulong nang 2 araw.

 

0909-296xxxx – Good day po! Gusto ko lang pong ipaalam na kasama ko ang driver na naaksidente sa Taytay, Rizal. Kinuha ng mga pulis ang pera niya na nagkakahalagang P2,000. Nawalan kasi ng malay at nang nagkamalay na siya, nalaman niya na ang wallet niya ay nasa pulis-Taytay na.

 

0946-544xxxx – Magandang hapon po, Sir Raffy! Isumbong ko lang po ang mga pulis dito na may mobile at body no. N184 sa amin dito sa Phase 10, Package 5, Bagong Silang, Caloocan na nagtse-check-point kuno at nag-aabang ng mga riding-in-tandem, pero ang totoo nag-aabang ng mga bumibili ng Shabu. Alam na alam nila, kasi kasabwat ‘yung pusher. Ang hindi ko lang matanggap ay pinakakawalan din nila matapos magbigay ng pera. Ang balita pa ay P25,000 ang aregluhan. Araw-araw po nila itong ginagawa.

 

0928-941xxxx – Good day po, Boss Raffy! Sumbong ko lang sana ang mga traffic enforcer sa Moonwalk, Las Piñas. Grabe na ang lantarang pangongotong at may utusan pa sila na mangongolekta ng pera sa mga jeep. Sana maaksyunan po ito.

 

096655913xxxx – Magandang umaga po sa inyo, Sir! Hingi po kami ng tulong tungkol sa problema namin dito sa Middle East. Hindi po kami pinapasahod 2-3 months na. Mahigit 200 kaming mga Pinoy rito. Matagal na po namin itong itinawag sa aming mga ahensyang inalisan, pero para ‘atang wala silang ginagawang paraan. Pumunta na rin po ang mga asawa ng iilan sa aming mga kasamahan sa mga ahensya ngunit parang mga manhid o bingi sila. Sejong Company po ang kumpanyang pinagsisilbihan namin (Korean company). Sana po ay matulungan ninyo kami.

 

0918-655xxxx – Magandang tanghali po, Mr. Tulfo! Gusto ko pong ireklamo ang talamak na panloloko ng isang Atty. Carlos po ng Floridablanca, Pampanga na nagbebenta ng lupa sa mga mahihirap. Binebenta po nila ang lupa ng maraming beses sa iba’t ibang mga kababayan natin at tinatakot kapag nagrereklamo. Sana po ay matulungan ninyo kami na masuplong ang taong ito.

 

0920-201xxxx – Good afternoon po Sir! Meron po akong sumbong tungkol sa isang pulis-Pasay. Kahapon po kasi binangga ang dala kong sasakyan tapos ang sabi po ng pulis-Pasay na si PO3 Anaviso, ako raw po ang mali. Tiniketan po ako, saka meron pong pinabayaran na P300 para sa picture daw po. Salamat po!

 

0908-449xxxx – Magandang araw po, Idol Raffy! Ireklamo ko lang po ang mga teacher sa lugar namin sa San Isidro, Claveria, Masbate. Sobrang talamak na ang mga teacher sa paniningil sa mga estudyante, tulad ng test paper at pagpapagawa raw ng CR. Ang pangalan po ng mga teacher ay Ms. Hazel Mahinay at Ms. Ma. Nenita Openio. Sana po ay matulungan ninyo kaming mapatigil ang sobrang pangongotong ng mga teacher sa mga estudyante.

 

ANG INYONG lingkod ay napakikinggan sa programang WANTED SA RADYO sa 92.3FM, Radyo5, Lunes hanggang Biyernes, 2:00 – 4:00pm. Ito’y kasabay na mapapanood sa AksyonTV Channel 41.  Para sa inyong sumbong o reklamo, magtext sa 0917-7WANTED o dumulog sa aming Action Center na matatagpuan sa 163E Mother Ignacia St., Brgy. South Triangle, Quezon City.

Shooting Range
Raffy Tulfo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.