COP ng Malabon Police, Hinihiling na Sibakin

 

NANANAWAGAN ANG mga kapulisan, partikular ang mga Police Community Precint (PCP) ng Malabon City Police kay NCRPO Chief Director General Leonardo Espina na sibakin sa lalong mada-ling panahon ang kanilang Chief of Police na umano ay masyadong abuso sa kanyang tungkulin.

Ayon sa mga elemento ng nasabing himpilan ng pulisya, ang kanilang hepe na si Senior Supt. Ferdinand Ampil ay dapat na umanong sibakin sa kanyang tungkulin sa dahilang masyadong abuso sa kanyang mga tauhan.

Anila, walang ginagawa si Ampil kundi magpatawag ng pulis kapag mainit ang ulo para hiyain at murahin umano sa harap ng mga tao at lagi umanong nagpapalit ng mga PCP commander lalo na umano kung hindi nakapag-aabot ng quota para sa kanya.

“Laging sinasabi sa aming mga pulis ang salitang “Ang kay Pedro ay kay Pedro at ang kay Juan ay kay Juan.” Ang ibig sabihin daw, ibigay ang nararapat na makukulimbat na pera sa kanya.

Napag-alaman pa mula sa mga nagrereklamong pulis, wala umanong awa si Ampil sa mga mahihirap na ginagawan nila ng kaso upang mahingan lamang ng pera at kadalasan ay kailangan magbayad sa kanya nang walang resibo na nanggagaling sa city hall para maibulsa lang ang pera mula sa hindi mabuting paraan.

Ilang mga PCP commander na ayaw magpakilala ang umanin na kinokotongan nila ang kanilang mga huli kada araw ng halagang P1,000 kada ulo kapalit ng paglaya.

Kapag daw hindi nasunod, agad na sinisibak ang PCP commander at agad na pinapalitan ng iba.

Idinadag pa ng mga pulis na maraming krimen na nagaganap sa Malabon ang hanggang ngayon ay hindi pa nalulutas dahil mas inuuna pa umano ni Ampil ang kanyang mga natatanggap na para-

ting mula sa mga iligal na gawain.

“Kung gaano umano kakupad maglutas ng krimen si Ampil ay ganu’n naman kabilis na gumawa ng pagkakaperahan na ginagamit ang kanyang mga PCP commander,” sabi pang mga pulis.

Dahil dito, hinihiling ng mga pulis kay Gen. Espina na imbestigahan ang nasabing opisyal na kaya wala silang accomplishment na nagagawa ay dahil lagi umanong nakatutok ang isipan ni Ampil sa pinagkikitaan sa Malabon.

(ROMAN MAGPOC)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.