Cop ng Malabon, padrino ng ginang na sangkot sa robbery-hold up

LUMALABAS NA PAWANG kasinungalingan ang sinasabi ni Col. Ferdinand Ampil, chief of police ng Malabon City police, na ipinatutupad lamang nito kung ano ang kautusan sa Kampo Krame, makaraang isang ginang na sangkot sa Robbery-Hold-up na nagaganap sa Kamaynilaan ang umano’y kanyang kinakanlong at ipinagmamalaking padrino nito ang nasabing colonel.

Nitong nakalipas na linggo lang ay nahuli ang apat na miyembro ng ‘Pikit Gang’ na pawang mga holdaper na responsable sa mga nagaganap na holdapan sa Kamaynilaan sa mga pampasaherong jeep.

Isa sa mga nasangkot dito ay si Beth Blanco, 50 ng Simon St., Sampaloc, Manila na itinuturong tagabili ng mga nakulimbat ng mga suspek at kasong Anti-Fencing lang ang ikinaso rito sa kabila nang sinasabing ito ang ‘financer’ ng apat na holdaper na sina Alexander Alvarez, 40, ng lungsod; Renato de Guzman, 32, ng Quezon City; Jose Mendoza, 41; at Alvin John Pozon, 31, kapwa ng Maynila.

Nalaman ng pahayagang ito na padrino si Ampil ni Blanco, nang kapanayamin ng may akda ang isang suspek sa kasong Attempted Murder, nagkataon na kausap ng pulis ang in-mate na si Blanco na hindi ito kumakain.

Nabatid din nang araw na mahuli si Blanco ay una agad umano nitong tinawagan ay si Col. Ampil at humihingi ng tulong subalit sa kabila nito ay tinuluyan pa rin si Blanco na sampahan ng kaso.

Kinabukasan ay nalaman ng isa sa pulis Caloocan na hindi kumakain si Blanco hanggang sa nakarating ito kay Col. Ampil at sinabihan umano ang mga pulis na huwag pababayaan sa loob ng kulungan si Blanco.

Sa takot ng isang pulis, kahit wala itong budget sa kanyang sarili na pangkain ay nagawa pa nitong kuhanan ng pagkain sa tindahan si Blanco para lamang kumain.

Ilang minuto ang makalipas, isang babae ang dumating sa Caloocan City Jail, bisita ni Blanco at may bitbit na pagkain at sinabing galing kay Col. Ampil ang pagkain para kay Blanco.

Hindi rin umano nakapagtataka kung bakit tila ganu’n na lamang ang closeness nitong sina Blanco at Col. Ampil dahil na-assign na rin ang huli sa Manila Police District.

Sinasabi rin na mas gustong hawakan ni Col. Ampil ang Caloocan City police at atat na itong magpalipat dito.

Kung ikukumpara si Ampil kay Col. Jude Wilson Santos, hindi nito kayang pantayan ang kapasidad ng huli dahil una, kailanman ay hindi nangungunsinti ng kriminal si Santos, kapag may kasalanan kailangan managot sa batas at ayaw na ayaw nitong isinasabit ang kanyang pangalan.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.