COP ng Caloocan, Natutulog sa Pansitan

INUTIL AT walang silbi u-mano ang pagtatalaga ng mga pulis sa iba’t ibang barangay sa Caloocan City dahil lalo pa umanong lumala ang mga nagaganap na holdapan, snacthing, nakawan at patayan sa nasabing lungsod.

Ito ay sang-ayon umano sa mga residente, non-government organization at mga samahang sibiko, na pawang dismayado sa mga nagaganap na kriminalidad sa kanilang lungsod .

Bilang patunay umano ay puro umanong kasong theft, qualify theft, snatching, robbery holdap, stabbing at shooting incident ang makikitang nakatala sa blotter ng Station Investigation ang Detective Management Branch (SIDMB) ng nasabing himpilan ng pulisya.

Anila, ito ay sanhi umano sa kawalan ng mga pulis na nagsasagawa ng pagpapatrulya sa kalsada sa dahi-lang ang mga nakararaming pulis ay mga nakadistino sa iba’t ibang barangay kaya tuloy nagkalat ang mga masasamang elemento ng lipunan.

“Wala kasing nakikitang mga unipormadong pulis ang mga masasamang loob na nagsasagawa ng foot patrol sa mga pangunahing kalsada at mga madidilim na iskinita sa lungsod kaya sa imbes na magdalawang-isip ang mga kriminal ay isinasagawa na nila na mang-holdap, mang-isnatch at pumatay ng tao,” wika pa ng mga ito.

Sinabi naman ng ilang Caloocan City Police insider, magmula umanong mahirang si P/Sr. Supt. Rimus Calixto bilang hepe ng kapulisan sa lungsod ng Caloocan, wala pa umano itong ginagawang aksiyon para mabago ang imahe ng Caloocan police.

Tutulug-tulog sa pansitan si Calixto at nagpapalaki lamang umano ng tiyan sa kanyang malamig na tanggapan kaya naglipana ang mga masasamang elemento sa kanya g area of responsibility (AOR), dagdag pa ng mga impormante.

(ROMAN MAGPOC)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.