Cooking Angel

Siya ang pinakabago at pinakapaboritong  kusinera ng buong Pilipinas ngayon. Oolala! Kinaya n’yo ba ang powers niya mga kaparazzi? Naging taong-ibon, lumipad suot ang napakaseksing two-piece costume, naging salamangkera, umaksyon kasama si Binoe, naging taong-lobo, at ngayon, isa na siyang bonggang-bonggang reyna sa kusina!

Sa kanyang pagbabalik-teleserye, ginagampanan ni Angel Locsin ang role ni Jillian sa Pinoy adaptation ng Koreanovelang Only You kasama sina Sam Milby at Diether Ocampo. Si Angel na ang maswerteng makasama ang dalawang Papable na ito, huh! Pero tila mas maswerte ‘ata itong sina Sam at Diet at may kusinera silang seksi na, da best pa sa pagluluto.

Sey nga ni Angel, nahanap na niya ang bago niyang pagkakaabalahan, huh! Na-inlab na nga ata ng tuluyan itong ating kusinera sa kusina at mukhang may balak ding mag-aral ng culinary arts. At sa naganap ngang presscon ng Only You sa Dolphy Theatre kamakailan, nagpakitang gilas ang  ating cooking angel habang niluluto niya ang isang Korean dish. See, saan ba kayo makakahagilap ng kusinerang kahit nagluluto, hindi nawawala ang poise at elegance, aber keber?!?

Premiere Shots
by Jean Oli

loading...

9 thoughts on “Cooking Angel

  1. Parang 2maba nga si angel. Pero ang sarap paglaruan ng itsura nya, kapag pulubi ang role muka tlga xang pulubi, pag ordinary girl lyk jilian gan0n ang itsura nya, kapag glam0rous at sexY napaka glam0rosa nya. Ganda nya s mga magazines at sa prod nya s ASAP. Super ganda. Papayat ka angel, lipo gan0n. Ok lang yun, tangGap naman n s sh0wbiz yun.

  2. I really like angel locsin….may deep umarte….mabait na anak….and looking at her now…she looks contented….at kung di siya umalis sa kapuso…where is ms. rivera now…im sure isa pa din siyang wannabes sa kapuso….

  3. just get over it ligaw. she proved everyone that by transferring to other network, her popularity did not go down as her critics wishes to her career.

    it only goes to show that, with people like you who cant still accept the fact that Angel is a Kapamilya na, Angel Locsin’s popularity has not faded but instead rising.

    wag na kase kayong Bitter(like what most people say to people like you).

    Kung Masama ang ugali ni Angel Locsin, di siya kukuning speaker ng AKO MISMO or the principle-tested Gabriela.

    Ano sinagot ni Angel Locsin nung tinanong siya about sa scandal ni katrina. Ang sagot niya ay irespeto ang pagkababae ni Katrina at iba pang babae at wag apak apakan.
    Ang sagot ni Carlene, kasalanan ni Katrina kase mabait si Hayden.

    Ang sagot ni Marian, bilang babae raw sabi niya, tas ang sabi pa ayaw niyang manisi (pareho lang yan na sabihin niyang may kasalanan si Katrina at ibang babae kaya may scandal) pero makakabangon si katrina. frankly, wala sa mata niya ang sincerity. promise.

  4. I don’t like Angel Locsin.
    Walang utang na loob! Maganda nga siya at seksi… pero masama naman ugali niya.
    Sabagay KARMA-KARMA lang yan. Malalaos din yan!

  5. Though m not into local entertainment… but Im definitely a certified Angel fan. the only local actress I adore sooooo much! She is every man’s dream. Luis must be very lucky!

Leave a Reply

Your email address will not be published.