Convoy ng police regional director, in-ambus

TINAMBANGAN NG MGA miyembro ng New People’s Army ang convoy ng regional police director ng CARAGA sa Agusan del Norte, kahapon ng madaling-araw.

Nagresulta ito sa ilang minutong bakbakan, kung saan dalawang sibilyan ang nasugatan.

Batay sa ulat na nakarating sa Camp Crame, alas-4 nang tambangan ang convoy ni Chief Supt. Reynaldo Rafal at mga escort nito sa P6, Barangay San Roque, Kitcharao, Agusan del Norte habang patungo sa Surigao City.

Hinagisan pa ng bomba ang convoy bago pinaputukan sa loob ng 10 minuto.

Tinamaan naman ng ligaw na bala ang dumaang bus na may plakang LYH 452 at nagresulta sa pagkasugat ng dalawang pasahero.

Tumakas ang mga rebelde nang dumating ang reinforcement troop ng mga pulis.        (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.