1 pulis, patay; 4 pa sugatanCONVOY NG MAYOR SA E. SAMAR, INATAKE NG NPA

PATAY ANG POLICE escort ni Arteche, Eastern Samar Mayor Rolando Evardone habang apat na iba, kabi-lang ang isang sibilyan, ang sugatan nang tambangan ng umano’y mga miyembro ng New People’s Army (NPA) ang kanilang convoy sa nasabing lalawigan noong Sabado.

Ayon kay PNP Spokesman, Chief Supt. Agrimero Cruz, kinilala ang biktimang si Insp. Al Lianza Tantiado, escort ni Evardone na pinsan ni Eas-tern Samar Congressman Ben Evardone.

Kinilala naman ang mga sugatang pulis na sina PO1 Kennet Tapalla, PO1 Sherwin Furtagada at PO1 Elmer Te-sado habang nadamay rin ang sibilyan na si Noe Opepario.

Dakong 11:20 ng umaga nang tambangan ng mga armadong lalaki ang convoy ng alkalde sa Sitio Subok, Bgy. Tangbo, kung saan napaslang si Tantiado.

Masuwerte namang hindi nahagip ng bala ang alkalde at ilan pang sibilyan.

Sa hiwalay na ulat ni Maj. Chris Campos, tagapagsalita ng Armed Forces of the Phi-lippines (AFP)-Central Command, 12 pulis ang escort ng alkalde na mga miyembro ng 3rd Platoon, 2nd Company ng 8th Regional Public Safety Management Battalion.

Makaraang masugatan ang mga pulis, nagawang agawin ng mga rebelde ang mga armas nito na tatlong M16 rifles, isang M14 rifle, isang 9-mm pistol at tatlong cal. 45 pistols.

Kinondena naman ni Congressman Evardone ang barbaric act ng mga rebelde. (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.