Convenience Store, Hinoldap 2 Armadong Lalaki

HINOLDAP NG dalawang armadong lalaki ang isang sangay ng isang convenience store kahapon ng alas-6 ng umaga sa may kanto ng Moriones at Zamora Street sa Tondo, Maynila.

Tinutukan umano ang kaherong si Randy Carandang, inutusang buksan ang kaha ng 7-11 at tinangay ang hindi pa matukoy na halaga.

Agaran namang tumakas ang mga suspek sakay ng isang motorsiklo.

Ayon sa Manila Police, hinihingi nila ang kuha ng CCTV ng nasabing convenience store upang matukoy ang mga suspek.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.