Convenience Store, Binulabog ng Bomb Threat

NABULABOG ANG mga tauhan ng isang convenience store matapos makatanggap ng bomb threat sa Malabon City kamakalawa ng tang-hali.

Sa ulat, dakong alas-12:30 ng tanghali nang makatanggap ng text mula sa 09261006872 ang isang tauhan ng Save More sa Gov. Pascual St., Tinajeros na may nakalagay na bomba sa lugar.

Agad na itinawag sa mga pulis ang natanggap at nang respondehan ay ginalugad ang buong tindahan.

Makalipas ang dalawang oras na paghahanap ay wala namang nakitang bomba ang mga pulis na naging dahilan upang ipagpatuloy ng Save More ang operation nito.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga pulis hinggil sa nasabing insidente.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.