Controversial young actor, inuumaga sa condo ng nababalitang dyowa?!

BLIND ITEM: KINSA Siya? May nagtsika sa aking impormante na kumpirmado raw talagang may relasyon ang controversial young actor na ito sa napapabalitang gf niya ngayon, na kamakailan lamang ay napabalitang hiwalay na raw pagkagaling nila mula sa trabaho sa ibang bansa.

Ayon pa sa may-I-tsismis na aking girlilet, kapitbahay raw o sabihin nating kapit-condo daw ng kanyang dabarkads ang nagsabi sa kanya na palaging nakaparada ang kotse ni actor sa Ortigas condo naman ni aktres. Palagi raw nag-i-sleep-over du’n si actor dahil hindi naman daw umaalis ang kotse nito.

Kasama pa raw nila minsan ang kanilang mga barkadang dalawang aktor na pareho ring kontrobersiyal. Lantad namang magkakabarkada ang apat na ito. Pero, bakit sinasabi nilang magkaibigan lang sila kung inuumaga lagi si aktor sa condo ni aktres? Naku, ha?!

BUMAHA NG SIGAWAN at tuwa sa loob ng NBC tent noong Miyerkules dahil sa wakas, inanunsiyo na nang presidente ng Singko na si Atty. Ray Espinosa na lahat ng empleyado at talents ay makakatanggap ng Christmas bonus na katumbas ng isang buwang suweldo.

Hindi biro ang ganu’ng halaga pero ayon pa kay Atty. Ray, isa itong pagtanaw ng utang na loob sa mga nagtatrabaho sa kumpanya nang walang kapaguran. Hindi kasi inaasahan ng pamunuan ng TV5 na ganito kabilis ang magiging pagkakaroon ng puwang ng istasyon sa mga puso at tahanan ng bawat Pilipino. Mga programang kakaiba ang inihanda ng istasyon para sa lahat ng Kapatid.

NAKAUSAP KO MISMO si Governor Chavit Singson noong isang linggo at masaya niyang ikinuwentong malapit nang makauwi ang anak na si Congressman Ronald Singson.

“Hopefully ‘sang linggo na lang baka makauwi na, maganda naman ang balita dahil nu’ng hinuli siya roon, tinimbang ‘yung bote, pati bote tinimbang eh, so nu’ng tinanggal ‘yun, bumaba na, kaya naka-out on bail na siya. So, hopefully lahat ng mga record na ‘yan, hopefully next week mapapakawalan na siya.”

So, masaya na ulit ang pasko ni Lovi Poe, at siyempre nang pamilya Singson.

AT ISA PANG blind item. Kinsa Sila? Nakakalurkey itech ha? Sa isang event kung saan imbitado ang press para saksihan ang pagpapakilala sa dalawang pareha o loveteams na magiging mukha ng kanilang produkto, super antay to the max ang media.

Alas-tres hanggang alas sais ang imbitasyong nakatala sa programa ngunit late-tsina ang isang pareha nang halos dalawang oras. Nakasaad sa programa na 4:30 magsimula ngunit 5:30 na halos nakapag-start ito. Nayayamot na ang ibang press na may nakatakda pang isang event na pupuntahan, ngunit hindi makaalis-alis dahil hindi pa nga nagsimula ang programa, at wala pa silang materyales para sa mga deadlines.

Ang lalong ikinaloka ng mga press people, halos 30 minutes lang tumakbo ang program at kung on time sana, napuntahan pa nila sa oras ang kasunod na presscon.

Naku, ha? Sana man lang, marunong silang magpapahalaga sa oras ng iba.

Tutok lagi sa Juicy, daily (12 NN), sa TV5; Paparazzi, Sundays, 4 PM, sa TV5; at sa Cristy Ferminute, Radyo Singko, 92.3 newsFM, daily, 4 to 6 PM.

Sure na ‘to

By Arniel Serato

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.