Controversial TV personality, nagpipilit bumalik at bumangon?!

BLIND ITEM: Isang controversial na TV personality ang nakatakdang mag-guest sa isang number one show sa primetime.  Kung sino ito? Abangan n’yo na lang at ayaw naman naming ma-preempt ito, ‘no!

‘Pag nakita namin ang TV personality na ito, isang bonggang-bonggang hug na may kasamang simpatya ang igagawad namin sa kanya matapos na maeskandalo ang kanyang buhay sa isang nakalolowkang isyu ng taon.

Kung sino ito? Eh, mag-research naman kayo para naman may konting extra challenge naman, ‘di ba? Hindi namin sasabihin kung babae ba ‘to? Hindi rin namin sasabihin kung ano’ng kinasangkutan niyang isyu.

Ang mas type naming mangyari, makabalik siya sa sirkulasyon pagkatapos niyang masangkot sa nakalolowkang isyu.  Kami na mismo ang nagsasabi na there’s still life after that nakalolowkang controversy.

At sa pamamagitan ng kanyang guesting, I’m sure, makababalik siya at makababangon. O, ayan, ha? May idea na kayo kung sino ‘yon?

by Ogie Diaz

O, sige na nga, ang initials ng TV personality na ‘to ay hindi para sa kanya. Me gano’n?

loading...

6 thoughts on “Controversial TV personality, nagpipilit bumalik at bumangon?!

  1. me nabasa ko, c maricar reyes daw ung mag guest s may bukas pa!sana nga sya nlng, miss ko n din sya…maricar reyes kaya mo yan!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.