Blind Item: Controversial actress, umabot sa P627,000 ang utang sa credit card!

NAKU, NGA PALA, nu’ng isang araw, me tumawag na isang account executive sa amin.  Tinatanong niya kung me bagong number ang isang inactive ngunit controversial actress.

We asked him kumbakit. “Eh, kasi po, hanggang ngayon, hindi pa rin siya nagbabayad ng utang niyang P627,000 plus sa credit card na kinuha niya sa  East West Bank, eh! Sa’n po kaya siya matatagpuan?”

Ah, gano’n ba? Ba’t ge-get ng credit card kung hindi naman pala magbabayad ng monthly bills? Naku, huh! Kung true man ito, ayaw ng mga fans ng ganyan, huh! Kukuha-kuha ka ng responsibilidad, hindi mo naman kayang bayaran ang kaakibat na amount sa kinuha mo.

Juice ko, kamamatay pa lang ni Tito Dougs, ang isa niyang alaga eh ganito na ang nangyayari. Anyway, ‘pag di raw talaga nag-pay ang aktres, eh, tatawagan kami uli ng account executive, dahil baka me gawin na raw silang legal action.

Sabi namin sa aming kausap, “Pasensiya na kayo, busy sa pag-aasikaso sa burol ni Tito Dougs!”

by Ogie Diaz

Related Post

loading...

4 thoughts on “Blind Item: Controversial actress, umabot sa P627,000 ang utang sa credit card!

  1. Wala ng iba kundi si NADIA MONTENEGRO. Alaga siya ni dito Dougs eh. Saka ang tagal na napapabalitang madaming utang si Nadia eh. Di ba kaya nga sila nag away ni Gretchen dahil nireremata na ng bank ni Toni Boy ang house nina Nadia na matagal ng past due.

Leave a Reply

Your email address will not be published.