Contractor, niratrat sa loob ng bahay

PATAY ANG ISANG 39-anyos na contractor matapos itong pagbabarilin ng dalawang ‘di pa nakikilalang kalalakihan habang ang una ay nakaupo sa loob ng kanilang bahay kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Dineklarang dead-on-arrival sa Bernardino Hospital sanhi ng mga tama ng bala ng .45 kalibre na baril at 9mm sa katawan ang biktimang si Voltaire Ballete, 39, ng Block 5-C, Lot. 6, Kingstown 1, Brgy. 171, Bagumbong, Caloocan City.

Isang masusing im-bestigasyon naman ang isinasagawa ng mga awtoridad para sa agaran pagkakakilanlan at ikadarakip sa dalawang suspek na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-8:30 ng gabi, kasalukuyang nasa loob ng kanyang bahay ang biktima na nakaupo sa sala nang pasukin ng mga suspek na armado mga baril at pinagbabaril si Ballete.

Matapos ang insidente ay nagsitakas ang mga suspek sa ‘di malamang direksyon dala ang ginamit na baril sa krimen habang dinala naman sa nasabing pagamutan ang biktima ng kanyang mga kapitbahay subalit hindi na rin ito umabot pang buhay.

Inaalam na ng pulisya ang motibo sa krimen.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.